fbpx

Pasko sa Japan: Mga Karaniwang Tradisyon, Kaganapan at Pagdiriwang

Last updated on Pebrero 1st, 2023 at 07:26 umaga

Nakatira ka man sa Japan o isang bisita, ang Disyembre ay isang magandang panahon ng taon upang maranasan ang mga natatanging tradisyon ng Pasko ng Japan. Kung lumaki kang nagdiriwang ng Pasko sa mga bansa sa kanluran, maaaring iba para sa iyo mga kaugaliang ito. Ang Pasko sa Japan ay may pagkakatulad sa Pasko sa South Korea, kung saan ito ay nagbago mula sa isang Kristiyano  patungo sa isang mas sekular na pagdiriwang.

Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga popular na kaganapan sa Pasko, pati na rin ang ilang espesyal na tradisyon ng Bisperas ng Pasko.

Advertisement

Ano ang kasaysayan ng Pasko sa Japan?

Asakusa, Taitō, JapanAng Shintoismo at Budismo ay ang pinakakaraniwang relihiyon sa Japan, na mayroon lamang 1.5% ng populasyon na kinikilala bilang Kristiyano.Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang mga Hapon ay hindi nagdiriwang ng Pasko.

Walang “tradisyonal” na Pasko sa Japan, ngunit ang maliit na populasyon ng Kristiyano sa bansa ay nagdiwang nito sa loob ng maraming siglo. Ang unang naitalang pagdiriwang ng Pasko sa bansa ay ginanap noong 1552 ng isang misyonero na nagngangalang Francis Xavier. Pinangunahan niya ang isang paglilingkod sa simbahan bago magbigay ng donasyon sa mga mahihirap na magsasaka sa lugar na nakapalibot sa kanyang misyon.

Noong ika-20 siglo, ganap na nagsimula ang Pasko sa Japan. Isang marangyang grocery store na tinatawag na Meijiya ang naging headline noong 1904 sa pamamagitan ng pagpapakita ng Christmas tree sa bintana nito. Ang naka-istilong tindahan ay nagbigay inspirasyon sa mga kakumpitensya na gawin din ito sa mga sumunod na taon.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, patuloy na naging popular ang Pasko sa buong bansa. Nang ang ekonomiya ng Japan ay umunlad noong dekada 1980, ang pagbibigay ng regalo sa panahon ng kapaskuhan ay naging isang paraan upang ipakita ang katayuan at koneksyon ng isang tao sa kulturang Kanluranin.

Paano mo sasabihin ang “Merry Christmas” sa Japan?

Sa Japan, ang Pasko ay tinatawag nilang “Kurisumasu,” at ang parirala para sa “Merry Christmas” ay “merii Kurisumasu.” Ang parirala ay isang phonetic na pagbigkas ng English greeting. Para bigkasin ito, sabihin ang “MAY-ree KU-ree-sue-mah-sue.”

Sa sistema ng pagsulat ng katakana, ang “merry Christmas” ay isinulat bilang メリー クリスマス. Ang mga karakter ng hiragana ay めりーくりすます.

Mayroon bang Santa Claus sa Japan? 

Si Santa Claus ay naging isang icon ng kapaskuhan sa Japan. Pangunahing dahilan nito ay ang mga kampanya sa marketing sa bansa na gumagamit ng imahe ng jolly man na naka-red suit para mag-promote ng mga benta at produkto. Tinutukoy siya ng mga Hapones bilang “Santa-San” o “Mr. Santa.” Ang kanyang pangalan ay nakasulat bilang サンタさん sa hiragana at サンタクロース sa katakana.

Maraming mga magulang na Hapon ang isinasama ang tradisyon ng Santa Claus sa kanilang mga pagdiriwang ng Pasko. Ang mga batang Hapon ay sumusulat din ng mga liham kay Santa. Noong 2020, nakapag karga ang overseas courier service na ANA Group sa isang eroplano ng 800,000 na mga sulat at inilipad ang mga ito sa Savalen, Norway, kung saan naghintay si Santa Claus kasama ang kanyang sleigh para tanggapin ang mga ito.

Hindi lang si Santa ang nagdadala ng mga regalo para sa mga bata. Ang mga bata ay maaari ding makatanggap ng mga regalo mula kay Hotei, isa sa mga shichifukujin, o Seven Lucky Gods. Kung minsan ay tinatawag na tumatawa na Buddha, si Hotei ay isang masayahin, malambot na pigura na may dalang mahiwagang sako na puno ng hindi kilalang mga bagay. Si Hotei ay isang tagapagtanggol ng mga bata, at ang ilang mga Hapones ay nag sasama ng mga regalo mula sa kanya bilang bahagi ng panahon ng Pasko.

Paano nagdedekorasyon ang mga Hapon para sa Pasko?

Ang mga dekorasyong Pasko sa Japan ay hango sa mga kultura ng North American at European. Maraming negosyo at pamilya ang nagdedekorasyon ng mga artipisyal na puno na may mga palamuti, kampana, at candy cane—ngunit ang Japanese Christmas tree ay maaari ding magtampok ng mga paper fan, origami na ibon at hayop, at paper lantern.

Minsan nagiging malikhain ang mga tindahan sa kanilang mga Christmas tree. Maaari silang magsabit ng mga paninda sa mga sanga o mag-ayos ng mga paninda sa mga pyramid display at palamutihan ang mga ito na parang mga puno.

Sa Japan, karaniwan ding nakasabit ang mga Christmas light sa mga pampublikong lugar. Sa Tokyo, kumikinang sa mga ilaw ang buong kapitbahayan ng Marunouchi. Ang mga espesyal na pagdiriwang ng mga ilaw ay ginaganap sa Caretta Shiodome at Country Farm Tokyo German Village.

Ang mga lungsod ng Osaka, Nagoya, Kobe, Kanagawa, Sapporo, at Kyoto ay nagho-host din ng mga light display. Karaniwan, ang mga LED string light ay ginagamit upang magbigay saya sa pag-iilaw, ngunit may ilang lokasyon din na naglalagay ng mga tradisyonal na parol.

Paano ipinagdiriwang ng mga Hapon ang Pasko?

Sa maraming bahagi ng mundo, ang Pasko ay panahon para sa pamilya, at ang Bagong Taon ay panahon para sa pagdiriwang kasama ang mga kaibigan. Ipinagdiriwang ng mga Hapones ang mga pista sa taglamig sa magkasalungat na paraan.

Karaniwang ipinagdiriwang ng mga Hapon ang Pasko bilang isang romantikong holiday para sa mga mag-asawa. Ito ay katulad ng kung paano ipinagdiriwang ng South Korea ang Pasko, na ang holiday ay halos katulad ng Araw ng mga Puso.

Ang Pasko ay hindi isang pampublikong holiday sa Japan, kaya ang mga Hapon ay madalas na nagtatrabaho sa araw at pagkatapos ay magkakaroon ng isang espesyal na hapunan kasama ang kanilang kapareha sa gabi.

Dahil maraming mga paaralan ang nagsisimula sa kanilang winter break sa Disyembre 25, ang mga bata ay karaniwang walang pasok sa araw na iyon. Maaaring piliin ng mga mag-asawang may mga anak na gawing maligaya ang Pasko para sa kanilang mga anak sa halip na magkaroon ng isang romantikong gabi na magkasama.

Ang ilang pamilya ay nagsasagawa ng malalaking party at nag-iimbita ng mga kaklase para dumalo. Ang Tokyo Disneyland ay may mga parada at pagtatanghal sa buong Nobyembre at Disyembre, at maraming mga Japanese ang bumibisita sa theme park upang maramdaman ang diwa ng holiday.

Ang Araw ng Bagong Taon ay ang panahon kung kailan ang mga pamilya ay nagsasama-sama sa iisang bubong upang magsalo sa pagkain. Maraming negosyo ang nagsasara para sa pampublikong holiday na ito para makasama ng mga empleyado ang kanilang pamilya.

Nagbibigayan ba ng mga regalo ang mga Hapon sa Pasko?

Ang pagbibigay ng regalo ay karaniwan sa panahon ng Pasko sa Japan. Nagpapalitan ng mga regalo ang mga tao sa mga miyembro ng pamilya, kaibigan, at mga kasama sa negosyo. Kung nagdiriwang ka ng Pasko sa Japan, mahalagang malaman ang kagandahang-asal sa pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo.

  • Kapag nagbibigay ng regalo sa isang tao, palaging gamitin ang parehong mga kamay.
  • Ang halaga ng regalo ay dapat na tumutugma sa katayuan sa lipunan ng tatanggap. Ang iyong amo, halimbawa, ay dapat makatanggap ng mas mahal na regalo kaysa sa isang katrabaho.
  •  Ang pagbibigay ng mga regalo sa grupo ng tatlo o walo ay itinuturing na maswerte. Ngunit ang pagbibigay ng mga regalo sa grupo ng apat ay malas.
  • Tumanggap ng regalo gamit ang dalawang kamay at magpasalamat.
  • Huwag magbukas kaagad ng regalo kapag natanggap ito. Itabi ito at buksan ito sa ibang pagkakataon, nang pribado.
  • Mahalaga ang pagbabalot. Gumamit ng kaakit-akit na pambalot ng regalo at isang ribbon, o ilagay ang regalo sa isang makulay na bag. Maaari mong gawing mas tradisyonal ang iyong regalo sa pamamagitan ng paggamit ng furoshiki, isang telang pambalot na papel. Iwasan ang pambalot ng regalo sa kulay pula, na nauugnay sa mga kasawian sa Japan. Ang berde, isang simbolo ng good luck, ay isang magandang pagpipilian ng kulay para sa pambalot ng regalo.
  • Maghanda para sa pagtanggi. Maaaring tumanggi ang mga Hapon na tumanggap ng regalo ng isa, dalawa, o kahit tatlong beses bago ito kunin. Upang magmukhang mahinhin, dapat ka ring magalang na tumanggi sa unang pagkakataon.

Bilang karagdagang mga regalo sa Pasko, ang mga Hapon ay nagbibigay ng “Oseibo” (mga regalo sa taglamig) sa pagitan ng huling bahagi ng Nobyembre at Disyembre 20. Nakaugalian na magbigay ng regalo sa taglamig upang ipakita ang pasasalamat sa mga tao sa iyong buhay.

Ang anumang bagay na nauubos o kapaki-pakinabang, tulad ng pagkain, meryenda, alak, beer, kandila, sabon, at toiletry, ay sikat sa pagbibigay sa Oseibo. Iwasan ang anumang bagay na may kaugnayan sa trabaho, tulad ng stationery.

Ano ang mga tradisyonal na pagkain sa Pasko sa Japan?

Kasama sa mga modernong tradisyon ng Pasko ng Hapon ang pagkain, ngunit ang mga pagkain ay karaniwang pinagsasaluhan ng mga mag-asawa sa halip na sa malalaking pagtitipon ng mga kaibigan at pamilya.

Ano ang pinakasikat na pagkain sa Pasko sa Japan?

KFC chicken meal na nakalagay sa paper bagKung gusto mong ipagdiwang ang holiday sa pinakasikat na paraan, planuhin na kumuha ng KFC para sa Christmas dinner sa Japan.

Noong 1970s, naglunsad ang fast-food retailer ng isang ad campaign para hikayatin ang mga Japanese na magbahagi ng isang balde ng pritong manok bilang pagkain sa Pasko. Ito ay naging matagumpay, at ngayon, humigit-kumulang 3.6 milyong tao sa Japan ang kumakain ng KFC tuwing Pasko bawat taon. Ang pritong manok ay itinuturing na pinakasikat na pagkain sa holiday, na may 58.2% ng mga tao ang kumakain nito bawat taon.

Dahil sa kasikatan ng fried chicken, ang KFC at iba pang retailer ay karaniwang nangangailangan ng mga advance order para sa holidays. Kung hindi, posible may mga nakapila sa labas ng pinto, at naiiwanan  ang mga hindi nakapag plano ng maaga na naghihintay ng ilang oras para makabili ng pritong manok.

Ang hapunan sa Pasko ng KFC ay kadalasang may kasamang mga piniritong piraso ng manok o isang whole-roasted na manok na mayroon ding panghimagas. Karaniwan din itong may kasamang inumin na tinatawag na “chanmery,” na isang kumbinasyon ng isang champagne-style na carbonated na inumin at katas ng ubas at kadalasang nakabalot sa kakaibang packaging na may mga cartoon character.

Ano ang ilang matatamis na pagkain ng mga Hapon sa Pasko

Hindi lang KFC ang pagkain na nasa menu para sa Pasko sa Japan. Halos kasing sikat nito ang Christmas cake, isang two-layer white sponge cake na may whipped cream icing. Pinalamutian ng mga strawberry ang ibabaw nito, at dinadagadan din ito ng palaman ng ilang panadero.

Ang color scheme ng Japanese Christmas cake ay kumakatawan sa Japanese flag. Ang shortcake emoji 🍰 na makikita sa karaniwang emoji library ay batay sa Christmas treat na ito.

Maraming Japanese ang kumakain ng wagashi tuwing Pasko. Ang maliliit na matamis na pagkaing ito na kadalasang sinasamahan ng isang tasa ng green tea. Mayroong dose-dosenang mga klase, ngunit ang ilan sa mga pinakakilala ay mochi rice cakes, sweet white bean paste nerikiri, sweet potato paste, imo yokan, at mitarashi dango rice dumplings. Tuwing kapaskuhan, ay makakahanap ka ng wagashi na may hugis tulad ng mga Christmas tree, Santa Claus, reindeer, at snowmen.

6 na Natatanging Tradisyon tuwing Pasko sa Japan 

Ngayong alam mo na kung ano ang mga aabangan tuwing Pasko sa Japan, anong mga tradisyon ng Hapon ang dapat mong isama sa iyong listahan? Narito ang anim sa pinakasikat na paraan upang ipagdiwang ang Pasko sa Japan, kabilang ang ilang pamilyar na kaganapan na may kakaibang spin.

1. Pagbisita sa isang German Christmas market.

Isa sa mga kakaibang bagay tungkol sa Pasko sa Japan ay ang pagkakaroon ng mga kulturang impluwensya mula sa buong mundo. Ang ilan sa mga sikat na tradisyon ng Pasko ng Japan ay nagmula sa Germany, kabilang ang mga Christmas market sa iba’t-ibang lugar mula Osaka hanggang Yokohama. Matutuwa ka sa mulled wine, bratwurst, gingerbread, at marami pang iba.

Dalawa sa pinakamalaking pamilihan ay ang Tokyo Christmas Market at ang Munich Christmas Market sa Sapporo, na parehong binubuksan ng ilang linggo tuwing Disyembre. Ito ang lugar na iyong pupuntahan kung gusto mong mag-ice skate, kumain ng mainit at nakakabusog na German-style na Christmas food, o isama ang mga bata para magpakuha ng larawan kasama si Santa Claus.

2. Makinig ng Beethoven’s Ninth.

Ang musika ay isang malaking bahagi ng kultura ng Pasko sa buong mundo, ngunit ang Japan ay may ilang mga espesyal na tradisyon sa musika. Sa halip na mga sikat na Christmas carols, ang sentro ay ang Beethoven’s Ninth Symphony—na tinatawag na Daiku, ang Japanese na salita para sa “Ninth.”

Maaari mong marinig ang Ninth na tumutugtog sa mga speaker ng department store, ngunit upang ganap na maramdaman ang tradisyong ito, dumalo sa isang live na pagtatanghal ng koro—o kahit na ikaw mismo ay kumanta dito. Ang SUNTORY 10,000 Freude choir sa Osaka ay kinabibilangan ng higit sa 10,000 performers sa lahat ng edad.

Ayon sa “National Geographic,” ang tradisyon ng Daiku ay nagsimula noong World War II nang ipinakilala ng mga bilanggo-ng-digmaan ng Aleman ang kanta sa mga Hapon. Ang pagpapalitan ng kulturang Aleman at Hapones ay humantong sa isang matagal ng tradisyon sa Japan.

3. Pagmasdan ang mga iluminasyon sa Taglamig 

Hindi mo kailangang maghanap ng mga Christmas light sa Japan, ngunit ang ilang mga lugar ay mas maliwanag kaysa sa karamihan. Ang mga istasyon ng tren ay ilan sa mga pinakamagandang lugar upang makita ang mga iluminasyon.

Ang Kyoto Station ay sikat sa malaking Christmas tree sa atrium at sa mga LED na ilaw sa grand staircase, habang ang mga iconic na Arashiyama walkway ay naiilawan ng mga parol. Ang mga distrito ng Tokyo ng Roppongi at Harajuku ay pinalamutian din ng mga ilaw tuwing taglamig, at ang Tokyo Station ay mayroon ding sariling napakalaking display.

4. Bisitahin ang Tokyo Disneyland.

Tokyo DisneylandKung ang pamamasyal sa mga kalye ng Tokyo o Kyoto ay hindi nagbibigay sayo ng sapat na kasiyahan sa Pasko, magtungo sa Tokyo Disneyland para sa mas Western na tanawin ng Pasko sa Japan. Ang Disney theme park na ito ay binuksan noong 1983, at  ipinagdiriwang nito ang kapaskuhan sa halos dalawang buwang kasiyahan sa buong buwan Nobyembre at Disyembre.

Ang mga bata at turistang Hapones ay pumupunta dito upang maranasan ang mga parada ng Pasko, makipagkita kay Santa Claus, at makibahagi sa iba pang mga seasonal na kaganapan.

5. Umorder ng Kentucky Fried Chicken.

Nag-aalok ang sikat na Japanese Christmas tradition na ito ng kakaibang twist para sa Christmas dinner. Aabot sa 3.6 milyong pamilya ang nag-order ng Kentucky Fried Chicken kahit isang beses lang tuwing panahon ng selebrasyon.

Paano naging go-to option ang fast food chain gaya ng KFC para sa isang Christmas meal? Nagsimula ang lahat noong 1970s, nang maisip ng isang manager ng KFC ang isang “party barrel” bilang bahagi ng isang kampanya sa marketing. Ang kampanyang “Kentucky para sa Pasko” (o Kurisumasu ni wa Kentakkii sa Japanese) ay isang hit at naging taunang tradisyon.

Ngayon, ang mga Japanese na pamilya ay maaaring mag-order ng mga premium na hapunan na may mga seasonal side dish. Tulad ng pag-book ng isang mesa sa Bisperas ng Pasko, mag-order ng maaga upang maiwasan ang pagmamadali at masiguro ang isang bucket ng KFC para sa Pasko.

6. Regaluhan ang sarili ng Japanese Christmas cake.

Para sa panghimagas, gumawa ng sarili mong Japanese Christmas cake, o pumili ng isa sa mga lokal nagtitinda sa paligid ng bayan. Kung sanay ka sa pumpkin pie o fruit cake, nag-aalok ang tradisyong ito ng mga Hapon ng nakakatuwang alternatibo para sa Pasko.

Sa Japan, ang Christmas cake ay maaaring binubuo ng sponge cake na nilagyan ng cream, ngunit maaari ka ring makakita ng strawberry shortcake at iba pang mga variation. Ang mga Japanese Christmas cake ay maaari ding mayroong pula at puti na mga dekorasyon at kasama ang salitang Meri Kurisumasu, na ang ibig sabihin sa Japanese ay ” Merry Christmas.”

Magpadala ng Pera sa Japan para sa Holiday

Mula sa mga iluminasyon sa taglamig hanggang sa mga pagtatanghal ng Daiku, maraming paraan upang ipagdiwang ang Pasko sa Japan. Ang mga tradisyon ng Pasko ng Hapon ay hindi umiikot sa pagbibigay ng regalo, kaya hindi mo kailangang maglagay ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. Ngunit karaniwan na para sa mga mag-asawa ang pagpapalitan ng mga regalo sa isa’t isa, at para sa mga pamilya ang pagpapalitan naman ng mga regalo sa Bagong Taon.

Kung pupunta ka sa Japan para sa mga holiday sa taglamig, tiyaking palitan ang iyong pera sa yen upang makuha mo ang pinakamagandang deal sa pamimili gamit ang lokal na pera. At kung hindi ka naroroon upang maglaan ng oras kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay, isaalang-alang ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa para sa Christmas cake o hapunan sa Pasko.

Nais ng Remitly team na bumati ng isang napaka Meri Kurisumasu sa lahat ng may mga mahal sa buhay sa Japan. Umaasa kaming masisiyahan ka sa ilan sa mga tradisyong ito ng Pasko ng Hapon at magkaroon ng maligayang Bagong Taon!

Pinapasimple ng Remitly na magpadala ng pera sa Japan gamit ang aming maasahang international money transfer app at mga transparent na bayarin sa pagpapadala. Mahigit 5 milyong tao ang gumamit ng aming app para magpadala ng pera sa buong mundo. I-download ang app ngayon para makapagsimula.

Karagdagang babasahin:

Advertisement