Last updated on Agosto 19th, 2024 at 05:41 hapon
Ang pagpunta sa mga tradisyunal na bangko na may mga pisikal na sangay ay nakakaubos ng oras at mahirap para sa maraming tao. Mabuti nalang, hindi nalang ang iyon ang tangi mong pagpipilian. Ang pinakamahusay na mga online na bangko sa United States ay may serbisyong tulad ng mga tradisyonal na bangko, maliban sa maaari kang magsagawa ng mga transaksyon sa mas madaling paraan gamit ang isang mobile app.
Kung gusto mong i-check ang balanse ng iyong account o gumawa ng mga wire transfer mula sa iyong tahanan, narito ang mga nangungunang online na bangko sa U.S. at ang pinakamahusay na mga serbisyong makukuha ng mga may-ari ng account. Ipapakilala din namin sa iyo ang dalawang kilalang alternatibo sa pagbabangko.
5 nangungunang online na bangko
Kung gusto mong mabantayan ang iyong pananalapi ng hindi bumibisita sa lokasyon ng sangay ng isang bangko, tiyak na para sa iyo ang account na may online na bangko. Sa isang online na bangko, may pagkakataon kang makakapili mula sa hanay ng mga produktong pampinansyal—mula sa mga savings at checking account hanggang sa mga sertipiko ng mga deposito—na may mapagkumpitensyang mga rate ng interes, o taunang porsyento na ani (APY).
Narito ang limang online na bangko na maaari mong pagpilian.
1. Ally Bank
Ang Ally Bank ay isang nangungunang pagpipilian sa mga pinakamahusay na online na bangko sa United States. Ito ay dating sangay ng pananalapi ng General Motors bago naging isa sa pinakamalaking mga bangko sa bansa ayon sa mga asset. Nag-aalok ang nangungunang online na bangkong ito ng buong hanay ng mga produkto at serbisyo sa pagbabangko tulad ng savings, checking, money market account, at certificate of deposit (CD).
Bakit mo pipiliin ang Ally Bank
- Walang minimum na balanse at walang buwanang bayad
- Walang bayad sa overdraft
- Simula Disyembre 18, 2022, nag-aalok ito ng nakaka-akit na taunang porsyento nito ay 3.30% sa savings account at 0.25% sa interest checking account.
- 24/7 na suporta sa telepono para sa mas maaasahang pagbabangko
- Maraming inaalok na mga online na tool, kabilang ang isang brokerage bank account na may pagpipilian DIY para sa mga namumuhunan
Ano ang mga limitasyon ng Ally bank?
- Hindi ka maaaring mag-deposito ng pera.
Ang Ally Bank ba ang tamang online na bangko para sa iyo?
Ang Ally Bank ay para sayo kung ikaw ay:
- Gustong magbukas ng high-yield na savings account
- Nagsisimula ng mamuhunan at gusto mong mas maraming posibilidad para mapalago ang iyong pera
- Madalas na nag-oonline banking gamit ang isang mobile app
2. Axos Bank
Dating kilala bilang Bank of Internet USA, binago ng full-service na online-only na bangko ang pangalan nito sa Axos Bank noong 2018. Bukod sa karaniwang mga produkto at serbisyo ng pagbabangko para sa mga indibidwal na may-ari ng account, nagbibigay din ito ng mga pagpipilian para sa mga komersyal na negosyo .
Bakit mo pipiliin ang Axos Bank
- Walang minimum na balanse at walang buwanang bayad
- Napakagandang APY rate na 0.61% para sa high-yield na savings account nito simula noong Disyembre 18, 2022
- Mga solusyon sa maliliit na negosyo at komersyal na pagbabangko, na tulad ng mga serbisyo ng merchant, mga business checking account, komersyal na pagpapautang, at mga linya ng kredito
- May magkakaibang uri ng mga checking account, na may mga reward na para sa iba’t ibang demograpiko
- Walang limitasyon sa pag-refund ng mga domestic ATM fee para sa iba’t ibang uri ng account
- Walang minimum na deposito para sa mga CD
Ano ang mga limitasyon ng Axos Bank?
- Ang mga rate ng CD APY nito ay maaaring hindi kasing ganda kumpara sa ibang mga bangko.
- Kailangan mo munang mag deposito ng $250 upang magbukas ng isang high-yield na savings account.
- Ang mga cashback checking account ay may bayad sa overdraft.
Ang Axos Bank ba ang tamang online na bangko para sa iyo?
Ang Axos Bank ay para sayo kung ikaw ay:
- May-ari ng negosyo na naghahanap ng mga produkto at solusyon sa pananalapi para sa iyong negosyo.
- Regular kang gumagamit ng mga ATM.
- Madalas kang gumagamit ng debit card.
3. Capital One
Nakilala dahil sa kanilang popular na mga credit card, ang Capital One ay mayroon ding online banking division na nag-aalok ng iba’t-ibang ng mga produkto at serbisyo. Mula sa mga money market, custodial account, IRA sa mga deposit account, hanggang sa business banking services, ang online na bangkong ito ay may produkto para sa maraming uri ng customer.
Bakit mo pipiliin ang Capital One
- Walang buwanang bayad o minimum na balanse
- May access sa malawak na network ng ATM (mahigit sa 70,000)
- Mayroong Brick-and-mortar bank branch sa mga piling lokasyon
- Mga mapagkumpitensyang rate sa mga savings accounts sa 3.30% APY simula Disyembre 18, 2022
- Walang kinakailangan minimum na balanse para magbukas ng CD account
- Nag-aalok ng maraming paraan sa pagbabayad ng interes sa mga CD
- May malawak na hanay ng mga benepisyo para sa may ari ng account sa negosyo para sa mga sole proprietorship, partnership, LLC, korporasyon, at maliliit na organisasyon
- Ang kakayahang ma-access ang mga reward ng iyong credit card at Creditwise credit score gamit ang mobile app
Ano ang mga limitasyon ng Capital One?
- May singil na $35 na overdraft fee kung hindi mo babayaran ang overdraft sa susunod na araw
- May mahigpit na parusa sa maagang pag-withdraw sa CD na maaaring umabot na katulad ng anim na buwang interes.
Ang Capital One ba ang tamang online na bangko para sayo?
Sa maraming pisikal na sangay nito at mga alok sa mobile banking, perpekto ang Capital One para sa iyo kung:
- Gusto mong gamitin ang parehong mga online-only na bangko at tradisyonal na mga bangko.
- Gusto mong simulan ang paglago ng pananalapi ng iyong mga anak sa isang pinagsamang, walang bayad na account.
- Nagmamay-ari ka ng maliit na negosyo o sole proprietor.
- Mayroon kang Capital One credit card.
4. Discover Bank
Ang kumpanyang nagpakilala ng Discover It credit card ay nag-aalok din ng mga serbisyo sa online banking. Isang subsidiary ng Discover Financial Services, nag-aalok ang Discover Bank ng malawak na hanay ng mga produktong pampinansyal, na kinabibilangan ng checking, money market, retirement, at mga savings accounts.
Bakit mo pipiliin ang Discover Bank
- Walang minimum na balanse o buwanang bayad
- Walang hinihinging bayad para sa overdraft at hindi sapat na balanse
- Nag-aalok ang Discover ng 1% cash back sa mga pagbili gamit ang debit card na hanggang $3,000
- May mapagkumpitensyang rate sa mga savings account, na may 3.00% APY simula Disyembre 18, 2022
- Binibigyang-daan kang palaguin ang iyong matitipid para sa pagreretiro gamit ang isang IRA certificate of deposit, na nag-aalok ng hanggang 4.25% APY simula Disyembre 18, 2022
- Nag-aalok ng mga pautang sa mag-aaral, bahay, at personal
- 24/7 na serbisyo sa customer
- Matatag na mobile banking app na may iOS rating na 4.9 sa 5 at Android rating na 4.6 sa 5
Ano ang mga limitasyon ng Discover Bank?
- May paunang withdrawal penalty para sa certificate of deposit.
- May minimum na paunang deposito na $2,500 para sa mga CD.
Ang Discover Bank ba ang tamang online na bangko para sayo?
Ang Discover Bank ay magandang piliin kung:
- Mas gusto mo ang cash back kaysa makakuha ng interes.
- Ikaw ay nasa merkado para sa isang personal na pautang.
- Gusto mo ng direktang access sa Discover na mga credit card para sa kanilang malaking cashback at mga reward.
5. Varo Bank
Ang Varo Bank ay isang online na serbisyo sa pagbabangko na walang mga hidden fee at isang online savings account na may mataas tubo. Ang mga produkto ng pagbabangko at pagtitipid ng Varo Bank ay walang buwanang bayad, draft na bayarin, o minimum na mga kinakailangan sa balanse, na makakatulong sa mga customer na makatipid ng pera kapag nagbukas sila ng mga deposit account.
Ang Varo ay may malawak na ATM network na walang bayad. Sa higit sa 55,000 mga lokasyon, maaari kang mag-withdraw ng pera mula sa Target, CVS, at Safeway sa buong bansa. Nagbibigay din ang Varo ng mga awtomatikong solusyon sa pagtitipid para sa mga may ari ng account.
Bakit mo pipiliin ang Varo Bank
- Walang buwanang bayad
- May mataas na APY sa mga savings account, na nag-aalok ng hanggang 5% simula Disyembre 18, 2022
- Maagang sweldo sa may direktang deposito
- Hanggang $100 instant cash loan gamit ang alok ng Varo Advance
- Ang mga depositong hanggang $250,000 ay FDIC-insured.
- May malaking network ng ATM
- Hindi kinakailangan ng pagsusuri sa credit
- Visa debit card
Ano ang mga limitasyon ng Varo Bank?
- May limitasyon at bayad para sa mga cash deposit
- Ang mga cash deposit ay maari lamang gawin sa mga third-party na retailer na naniningil din ng bayad
- Dapat matugunan ang mga kinakailangan upang maging kwalipikado para sa pinakamataas na rate ng pagtitipid
- Ang mga panlabas na pagpapadala ay limitado sa $10,000 kada buwan
Ang Varo Bank ba ang tamang online na bangko para sayo?
Ang Varo ay isa sa mga pinakamahusay na bangko para sa mga naghahanap ng APY na nakasanayan na sa online-only na pagbabangko, gumagamit ng direct deposit, at bihirang mag-deposito ng cash.
1 nangungunang alternatibo sa online na pagbabangko
Ang mga online-only na bangko ay hindi lamang ang paraan upang makakuha ng mga serbisyong pinansyal kung hindi ka makapunta sa mga lokasyon ng bangko. Narito ang dalawang non-banking app na nagbibigay ng madaling digital na pagbabayad at mga solusyon sa pagbabantay ng iyong pera.
Chime
Ang Chime ay isang bagong kumpanya ng teknolohiya sa pananalapi na tumutugon sa mga mas mababa at nasa gitnang kita na mga Amerikano. Ito ay hindi isang bangko. Sa halip, ang kanilang mga serbisyo sa pagbabangko ay ibinibigay ng The Bancorp Bank o Stride Bank, N.A., na parehong mga miyembro ng FDIC.
Bakit mo pipiliin ang Chime
- Walang bayad na checking account at high-yield savings account
- Espesyal na programa para sa direktang deposito para sa mas maagang pagdating ng mga pondo
- Mga pagpipilian na feature na naghihikayat sa pag-iipon (tulad ng pag-rounding ng mga transaksyon sa dolyar at pagdaragdag nito sa iyong savings account)
- Available ang ligtas na “Credit Builder” card ng walang credit check
- Mga libreng pagbabayad sa mobile sa iyong pamilya at mga kaibigan, kahit na hindi sila gumagamit ng Chime
Mga Limitasyon ng Chime
- Limitado ang mga serbisyong pinansyal.
- Walang mga pisikal na lokasyon (tulad ng iba pang mga kapareho nito bangko)
Ang Chime ba ay maganda para sa iyo?
Ang chime ay isang magandang pagpilian kung:
- Hindi mo kailangan ng buong hanay ng serbisyo sa pagbabangko.
- Nagsisimula ka pa lamang sa pagtitipid at pag-utang.
- Pangunahing ginagamit mo ay cashless na pagbabayad at serbisyo.
Tungkol sa Remitly
Ginawa ng Remitly na mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa internasyonal. Ang aming maaasahan at madaling gamitin na mobile app ay pinagkakatiwalaan ng mahigit 5 milyong tao sa buong mundo. I-download ang aming app para matuto pa.