Last updated on Hulyo 26th, 2024 at 01:29 hapon
Maaaring maging kumplikado ang mga halaga ng palitan ng pera, at maaari kang magtaka kung bakit madalas silang nagbabago. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga halaga ng palitan, tama ang iyong napuntahan.
Magpatuloy sa pagbabasa para matutunan kung bakit nagbabago ang mga halaga ng palitan, kung ano ang ibig sabihin ng mga ito—at lahat ng iba pa ay dapat malaman tungkol sa kung paano gumagana ang mga halaga ng palitan.
Mga Halaga ng Palitan FAQs
1. Ano ang mga Halaga ng Palitan?
Ang halaga ng palitan ay ang halaga ng isang pera na kumpara sa isang dayuhang pera. Ang pera ng bawat bansa ay may natatanging halaga kung ihahambing sa pera ng ibang bansa. Sa madaling salita, tinutukoy ng halaga ng palitan kung gaano karami ng isang pera ang iyong matatanggap bilang kapalit ng parehong halaga sa isa pang pera.
Halimbawa, sa Nobyembre 2021, bibili ka ng limang US dollar ng 650 Icelandic króna, humigit-kumulang 32 Chinese yuan, 15.5 Israeli new shekels, at 4.3 euros lang. Tulad ng nakikita mo, mayroong malaking pagkakaiba.
Ang mga internasyonal na halaga ng palitan ay nagbabago sa araw-araw at maaaring mag-iba nang malaki sa pagitan ng mga bansa. Ang halaga ng isang pera ay labuso na nakapadepende sa sitwasyong pang-ekonomiya ng bansa, gayundin ng iba pang mga salik, tulad ng patakaran sa pananalapi, pandaigdigang kalakalan, at katatagan ng pulitika.
2. Paano natutukoy ang halaga ng palitan?
Ang mga foreign exchange rates ay nagbabago depende sa supply at demand at iba pang mga salik sa ekonomiya. Walang anumang bangko, gobyerno, o serbisyong pinansyal ang tumutukoy sa halaga ng palitan. Sa halip, nagbabago ang mga ito batay sa mga kondisyon ng pandaigdigang merkado.
Habang tumataas ang supply at demand, tumataas ang halaga ng pera. Habang bumababa ang supply at demand, kasaby din bumababa ang halaga ng palitan ng pera ng isang bansa. Ang mga halaga ng palitan ay direktang nauugnay sa kaunlaran ng ekonomiya ng isang bansa.
Maraming iba pang mga kadahilanan, tulad ng pampublikong utang, mga rate ng interes, inflation, at maging ang depisit ng bansa, ay maaaring makaimpluwensya sa mga halaga ng palitan.
Sa madaling salita, ang lakas ng ekonomiya ng isang bansa ay may direktang epekto sa halaga ng pera nito sa pandaigdigang merkado.
3. Bakit nagbabago ang halaga ng palitan araw-araw?
Ang mga halaga ng palitan ng pera ay patuloy na nagbabago dahil araw-araw din nagbabago ang pandaigdigang merkado. Ang mga rate ng interes, supply at demand, at iba pang mga salik sa ekonomiya ay nagbabago araw-araw—at bawat minuto!
Ang mga halaga ng palitan ay nagbabago sa parehong bilis. Ang mga halaga ng palitan ng pera ay maaaring ituring na isang representasyon ng lakas ng ekonomiya ng isang bansa, at ang halaga ng kanilang pera ay nagbabago habang nagbabago ang ekonomiya ng bansa.
4. Mas mabuti ba ang mas mataas o mas mababang halaga ng palitan?
Kung ikaw ay bibili o magpapadala ng pera, ang mas mataas na halaga ng palitan ay mas pabor para sa iyo. Dahil maaring makakakuha ka ng higit pa sa bawat dolyar na iyong ipapalit, dahil sa mataas na halaga ng palitan.
Kung ikaw naman ay nagbebenta ng pera na may mababang halaga, nangangahulugan ito na makakakuha ka ng higit pa sa halaga ng iyong ibinebenta.
5. Bakit importante ang halaga ng palitan?
Importante ang halaga ng palitan ng pera dahil tumutukoy din ito sa halaga ng mga produkto sa U.S. at sa ibang bansa. Halimbawa, ang halaga kung saan mo ipinagbibili ang mga produkto ng U.S. sa ibang bansa ay nakasalalay sa halaga ng palitan. Naaapektuhan din nito ang halaga ng mga imported na produkto kumpara sa mga lokal na produkto.
Ang halaga ng palitan ay direktang nakakaapekto sa halaga ng mga pag-import, na maaari ring makaapekto sa parehong supply at demand sa pandaigdigang merkado. Nangangahulugan ito na makakaapekto ito sa halaga ng palitan ng dolyar ng U.S.
6. Paano nakakaapekto ang inflation sa halaga ng palitan?
Ang inflation ay may direktang epekto sa mga rate ng interes, na nakakaimpluwensya nang malaki sa halaga ng palitan. Ang inflation ay maaaring maging dahilan ng pagtaas o pagbaba ng mga rate ng interes.
Ito naman ay maaaring makaapekto sa halaga ng palitan ng iba’t ibang pera sa pandaigdigang merkado.
Ang halaga ng pera ay hindi na sumusuporta sa ginto, kundi sa mga pamahalaan (fiat money), kaya ang inflation ay maaaring magbago at tumaas nang mas mabilis kaysa noong 1970s at mga nakalipas.
7. Ano ang maaring dahilan ng malakas o mahinang dolyar (USD)?
Ang dolyar ng Estados Unidos, o USD, ay marahil ang pinakamakapangyarihang pera sa mundo. Ang isang malakas na dolyar ng Estados Unidos ay nagbibigay sa iyo ng kakayahan na bumili ng higit pa sa isa pang pera. Ang mahinang dolyar ay nangangahulugan na maaari kang bumili ng mas kaunti ng isa pang pera para sa iyong dolyar.
Tandaan: Kabilang sa iba pang malalakas na pera ang euro (EUR), British pound (GBP), Japanese yen (JPY), Swiss franc (CHF), at Saudi riyal (SAR).
Ang lakas ng dolyar ay tumutukoy sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa. Ang mababang antas ng utang, pati na rin ang tumataas na supply at demand, ay maaaring makatulong upang mapalakas ang dolyar.
Sa kabilang banda, ang mataas na kawalan ng trabaho, pagtaas ng antas ng utang, at pagbaba ng supply at demand, ay maaaring magpahina sa dolyar.
Alam mo ba ? Ang Estados Unidos ay hindi lamang ang bansang gumagamit ng dolyar. Kabilang sa iba pang kilalang dolyar ang: Canadian dollar (CAD), Australian dollar (AUD), New Zealand dollar, Singapore dollar, at Hong Kong dollar.
8. Ano pa ang maaring maging dahilan ng pagtaas ng halaga ng palitan?
Kapag malakas ang demand ng pera ng isang bansa, tumataas din ang halaga ng pera. Habang bumubuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa, maaaring tumaas din ang halaga ng palitan.
Ang rate ng interes at pagtaas ng kalakalan ay maaari ring magresulta ng mataas na halaga ng palitan. Halimabawa, maraming bansa ang bumibili ng mga produkto gamit ang dolyar ng sa Estados Unidos. Kung mas maraming bansa ang pipiliin na gumamit ng pondo ng Estados Unidos, mas maraming bansa ang bibili ng US dollars, at sa gayon ay mas tataas pa ang halaga ng kanilang pera.
9. Ano pa ang maaring dahilan ng pagbaba ng halaga ng palitan?
Maaaring bumaba ang halaga ng palitan habang bumababa ang halaga ng dolyar. Ang pagbagsak ng ekonomiya, ang mas mababang demand para sa pera ng bansa sa pandaigdigang merkado, ang mas kaunting supply at demand sa pag-export, at ang pagbaba ng mga rate ng interes ay maaaring magpahina sa halaga ng dolyar.
Habang humihina ang dolyar, maaaring bumaba ang halaga ng palitan. Ang mga ganitong uri ng pagbabago ay maaaring mag-iba araw-araw.
10. Ano ang kahulugan ng floating exchage rate?
Ang floating exchange rate ay kapag ang halaga ng palitan ay nag-iiba batay sa supply at demand sa Forex market (foreign exchange market) na may kaugnayan sa ibang mga bansa. Nangangahulugan ito na magkakaroon ng malawak na pagkakaiba-iba sa halaga ng palitan ng pera, at ang halaga ng palitan ay maaaring magkaroon ng malaking pagbabago batay sa mga kalagayan ng ekonomiya.
Ang mga floating exchange rate ay karaniwan sa mga bansang gumagamit ng fiat currency.
11. Ano ang kahulugan ng fixed exchange rate?
Ang fixed exchange rate system ay kapag ang isang sentral na bangko ay nakabatay sa halaga ng pera nito sa isang set factor o commodity. Noon ito ay tumutukoy sa ginto. Sa ngayon, ang isang fixed exchange rate ay nangangahulugan na ang halaga ng pera ay tinutukoy sa paghahambing nito sa ilang napiling halaga. Ang isang halimbawa nito ay ang Senegal West African CFA franc.
Napakakaunting mga bansa pa rin ang sumusunod sa modelong ito. Karamihan ay sumusunod sa fiat model, kung saan sinusuportahan ng gobyerno ang halaga ng pera.
12. Paano matukoy ang halaga ng mga palitan?
Upang matukoy ang mga halaga ng palitan para sa iba’t ibang mga pera, maaari itong makita sa online o sa iyong bangko. Maraming serbisyo sa pampinansyal ang nagbibigay impormasyon ng kasalukuyang mga halaga ng palitan sa kanilang mga website.
Kung handa ka na, maaari kang bumili o magbenta ng iba’t ibang pera sa mga bangko o exchange counter. Maaari ka ring magpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang isang serbisyo sa paglilipat ng pera o app. Kadalasan, ang halaga ng palitan ay minarkahan para sa halaga ng paglilipat, bagaman hindi ito palaging nangyayari.
Kapag nagpapadala ng pera sa ibang bansa, sundin at maging pamilyar sa mga halaga ng palitan para sa iyong pares ng pera. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung pabor sa iyo ang mga halaga ng palitan.
Isa pang paraan upang masundan ang halaga ng palitan? Manatiling nakasubaybay sa pandaigdigang balita. Ang pag-unlad ng ekonomiya at mga pagbabago sa pulitika ay maaaring magbigay sa iyo ng pananaw sa kung paano magbabago ang halaga ng mga palitan sa mga darating na linggo o araw.
Tungkol sa Remitly
Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind.
Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.