Isang City-by-City na Gabay sa Halaga ng Pamumuhay sa Japan

Mga residente naglalakad sa lungsod ng Tokyo sa Japan Ang Japan ay may matatag na ekonomiya at mataas na antas ng pamumuhay, at ang Japanese yen ay isa sa pinakamatatag na pera sa mundo. Gayunpaman, sa kabila ng katanyagan nito sa mga expat, ang halaga ng pamumuhay sa Japan ay malaki kumpara sa ibang mga bansa. Sa katunayan, ang Mercer Cost of Living Index ay naglalagay sa Tokyo bilang ikawalo sa mga pinakamahal na lungsod, kasunod lamang ng Singapore at New York City.

Bago ka mag-book ng one-way ticket papuntang Nagoya o Yokohama, narito ang dapat mong malaman tungkol sa halaga ng pamumuhay sa Japan at kung paano nagkakaiba ang buwanang gastusin ayon sa lungsod.

Advertisement

Pag-unawa sa Halaga ng Pamumuhay sa Japan

Ang Japan ay tahanan ng halos 124 milyong tao, kung saan humigit-kumulang 2.3% sa kanila ay ipinanganak sa ibang lugar. Ang paglipat sa Japan ay nakakaakit sa iba’t ibang dahilan. Ang mga mag-aaral ay pumunta sa Japan upang mag-aral o magturo ng Ingles. Ang mga backpacker at digital nomad ay dumadagsa sa Japan upang makita ang mga Buddhist na templo at tikman ang culinary scene nito. Ang ilang mga expat ay pinili din magretiro doon.

Ngunit ang halaga ng pamumuhay sa Japan ay nakasalalay sa kung saan ka nakatira, uri ng iyong pamumuhay, at kung ikaw ay isang permanenteng residente o hindi. Ayon sa NomadList, ang buwanang halaga ng pamumuhay sa Tokyo ay $4,947 para sa isang digital nomad, $3,904 para sa isang expat, at $2,200 para sa isang lokal.

Maaaring asahan ng mga turista at panandaliang bisita na magbayad ng higit pa para sa mga gastusin sa paglalakbay at pansamantalang tirahan, habang ang mga opisyal na residente na may Japan work visa ay makakakuha ng access sa national healthcare system ng Japan at iba pang mga benepisyo.

Bagama’t bahagyang mataas ang suweldo sa Japan, maaaring mas mababa ang mga ito kaysa sa iyong sariling bansa. Ang isang software engineer sa Tokyo ay maaaring kumita ng $45,466 kada taon, habang ang isang guro ay maaaring kumita ng humigit-kumulang $35,190 kada taon.

Kung nagtatrabaho ka isang employer sa ibang bansa, kakailanganin mong alamin ang halaga ng palitan upang makita kung hanggang saan aabot ang iyong pera sa Japan. Karamihan sa impormasyon sa artikulong ito ay inilagay namin sa US dollars (USD) para madali mong maikumpara ang mga ito sa iba pang mga currency.

Ang halaga ng pamumuhay sa Japan ayon sa lungsod

Ang Japan ay isang bansang may malaking populasyon, at kabilang sa mga sikat na destinasyon na dinadayo ng mga turista ay ang Tokyo at Kyoto. Ang mga lungsod na ito ay kabilang din sa mga pinakamahal na lungsod sa mundo. Kung gusto mong makatipid, isaalang-alang ang paglipat sa isang mas maliit na lungsod o isang rural na lugar.

Narito kung paano nag-iiba ang halaga ng pamumuhay sa Japan sa apat na pangunahing lungsod.

Tokyo

Ang Tokyo ay tahanan ng humigit-kumulang 14 milyong tao, at ang metro area nito ang pinakamalaki sa mundo, na may 37 milyong mga naninirahan. Pinahahalagahan ng mga residente ang mataong pamumuhay at mahusay na sistema ng pampublikong transportasyon, ngunit mas mahal ang pagkain at pabahay kaysa sa iba pang malalaking lungsod.

Ayon sa Teleport.org, ang isang solong tao na umuupa ng isang maliit na apartment sa sentro ng lungsod ay maaaring asahan na magbayad ng $1,100 bawat buwan, habang ang isang malaking apartment ay nagkakahalaga ng $1,800.

Narito ang isang halimbawa ng pang-araw-araw na gastusin ng pamumuhay sa Tokyo:

  • Pabahay: $1,100 para sa isang maliit na apartment
  • Pagkain: $9.20 para sa tanghalian at $3.90 para sa isang cappuccino
  • Transportasyon: $80 para sa pampublikong transit pass
  • Pang-kalusugan: $90 para sa membership sa gym

Osaka

Ang Osaka ay masasabing mas maliit kaysa sa Tokyo, na may 2.75 milyong residente lamang, ngunit ito pa rin ang pangatlo sa pinakamalaking lungsod sa Japan. Ang Osaka ay may mas banayad na klima at mas affordable na real estate kaysa sa Tokyo, na ginagawa itong isang kaakit-akit na alternatibo para sa mga nais ng pamumuhay sa lungsod.

Narito ang maaari mong asahan na gastusin kada buwan upang manirahan sa Osaka:

  • Pabahay: $600 para sa isang maliit na apartment
  • Pagkain: $7.50 para sa tanghalian at $3.30 para sa isang cappuccino
  • Transportasyon: $84 para sa pampublikong transit pass
  • Pang-kalusugan: $73 para sa membership sa gym

Kyoto

Ang Kyoto ay isa sa pinakasikat na destinasyon ng mga turista sa Japan, salamat sa mga magagandang templo at sikat na cherry blossom nito. Matatagpuan ito malapit sa Osaka, mayroon itong katulad na halaga ng pamumuhay at bahagyang mas maliit na populasyon na 2.6 milyong tao.

Narito kung magkano ang gastusin upang manirahan sa Kyoto::

  • Pabahay: $660 para sa isang maliit na apartment
  • Pagkain: $7.40 para sa tanghalian at $3.60 para sa isang cappuccino
  • Transportasyon: $100 para sa pampublikong transit pass
  • Pang-kalusugan: $83 para sa membership sa gym

Fukuoka

Matatagpuan ang Fukuoka sa timog ng Japan, sa isla ng Kyūshū—ngunit maaari mo pa ring marating ang Tokyo ng wala pang limang oras sa pamamagitan ng high-speed na tren. Sikat ang Fukuoka para sa mga rehiyonal na uri ng ramen nito gayundin sa mga igos at iba pang lokal na prutas.

Narito kung magkano ang maaaring maging gastusin kada buwan sa Fukuoka:

  • Pabahay: $580 para sa isang maliit na apartment
  • Pagkain: $6.80 para sa tanghalian at $3.90 para sa isang cappuccino
  • Transportasyon: $82 para sa pampublikong transit pass
  • Pang-kalusugan: $68 para sa membership sa gym

Karaniwang buwanang halaga ng pamumuhay sa Japan

Mataas ang halaga ng pamumuhay sa Japan, bagama’t maaari pa ring mamuhay sa isang badyet sa mga pinakamalaking lungsod nito. Mayroong iba pang mga paraan upang makatipid, tulad ng pagbabahagi ng pabahay sa ibang mga estudyante o mga expat o pagluluto sa bahay sa halip na kumain sa labas.

Narito ang apat na bagay na maaaring makaapekto ng malaki sa halaga ng pamumuhay sa Japan.

Pabahay

Bagama’t ang average na halaga ng pabahay sa Tokyo ay higit sa doble kaysa sa Osaka at Kyoto, lahat ng mga pangunahing lungsod ng Japan ay nagbibigay ng magkakaibang seleksyon ng mga maaari mong tuluyan. Ang isang isang apartment sa labas ng sentro ng lungsod ng Tokyo ay maaaring mas mura kaysa sa isang studio apartment sa gitnang Osaka.

Ang pag-upa ng apartment ay maaaring maging mahirap kung wala kang kakilala, paaralan, o employer na magsisilbing guarantor. Kinakailangan mo din magbayad ng deposito, agency fee, at pati na rin liability insurance. Bago magpatuloy sa isang pangmatagalang pag-upa, kalkulahin mabuti ang iyong buwanang pag-upa at mga gastusin sa utility, kasama ang Wi-Fi.

Pagkain at Inumin

Larawan ng mga pagkain sa Japan Makakahanap ka ng malawak na hanay ng mga pagpipiliang pagkain at inumin sa Japan, kabilang ang mga regional specialty at international chain. Sa katunayan, ang Osaka ay ang pangalawa sa pinaka gastronomically diverse na lungsod sa mundo, na may humigit-kumulang na 35,638 restaurant, kung saan 20,695 ay internasyonal.

Siyempre, ang pagkain sa labas para sa tanghalian at hapunan araw-araw ay maaaring magastos. Magkakaroon ka ng mas mababang halaga ng pamumuhay sa Japan kung nakaugalian mong kumain ng mga bento box—mga inihandang pagkain na ibinebenta sa mga convenience store—sa halip na mag-order ng tanghalian sa isang cafe.

Ang mga inumin ay maaaring magdagdag din sa iyong gastusin, lalo na sa Tokyo, na may mga presyong umaabot sa humigit-kumulang $2.30 para sa isang kape, $2.95 para sa isang Coca-Cola, at $4.54 para sa isang beer.

Pampublikong Transportasyon

Ang Japan ay may malawak na network ng tren at mahusay na sistema ng pampublikong transportasyon sa karamihan ng mga pangunahing lungsod nito. Madali kang makakarating ng kahit wala kang kotse o motorsiklo.

Kung ikaw ay naninirahan at nagtatrabaho sa Japan, maaari kang makatipid ng pera sa pamamagitan ng pagkuha ng commuter pass para sa lokal na network ng pampublikong sasakyan. Kung ikaw ay isang turista na naglalakbay sa buong bansa, maari kang gumamit ng isang rail pass.

Tandaan lamang na ang ilang mga tren ay may nakareserbang upuan, at maaaring kailanganin mong magpareserba ng ticket ng maaga bago makarating sa istasyon ng tren. Ang tren mula Tokyo hanggang Nagoya ay nagkakahalaga ng $60-$85 para sa isang walang reserbang upuan at $70-$90 para sa isang nakareserbang upuan.

Tokyo Station, Chiyoda-ku, Japan Pangangalaga sa kalusugan

Ang Health insurance o segurong pangkalusugan ay isa pang malaking gastusin sa pamumuhay sa Japan. Bagama’t ang mga residente ng Japan ay may access sa National Health Insurance program (NHI), ang mga hindi residente ay kailangang ayusin ang kanilang sariling coverage sa health insurance.

Kung lilipat ka sa Japan para magtrabaho, tulad ng pagtuturo ng English bilang Second Language, maaari kang magkaroon ng access sa Social Insurance (SI) na nakabase sa employer. Kung hindi, maaari kang pumili ng iyong sariling internasyonal international health insurance coverage.

Ang Japan ay may affordable sistema ng Healthcare, ngunit hindi ito libre. Kakailanganin mong magbayad ng 30% na copay para sa karamihan ng mga gastusing medikal, na napapailalim sa isang out-of-pocket cap.

Pagpapadala ng pera sa Japan

Ang paglipat sa Japan ay maaaring isang kapana-panabik na pakikipagsapalaran, ngunit maaari rin itong maging mahirap dahil sa mataas na halaga ng pamumuhay sa mga pangunahing lungsod tulad ng Kyoto at Osaka. Sa kabutihang palad, sa kabila ng mataas na halaga ng upa, ang ibang mga gastusin tulad ng pampublikong sasakyan at pangangalagang pangkalusugan ay maaaring mas affordable kung ihahamabing sa parehong buwanang gastusin sa bahay.

Kung kailangan mong magpadala ng pera sa Japan o gusto mong ipadala ang iyong mga kita sa iyong mga mahal sa buhay, makakatipid ka ng pera sa pamamagitan ng paggamit ng internasyonal na money transfer app, tulad ng Remitly, na may affordable fees at mataas na halaga ng palitan.

Mahigit 5 milyong tao ang gumamit na ng Remitly para magpadala ng pera sa buong mundo. I-download ang app ngayon para sa iyong unang padala.

Karagdagang Babasahin

About Mariana Anna Oliveros