11 Mobile Wallet na kilala sa Buong Mundo

Sa paglipas ng mga taon, ang pandaigdigang teknolohiya sa pagbabayad ay sumulong nang mabilis. Taong 1950 bago ipinakilala ang unang modernong credit card sa U.S. Pagkalipas lang ng 70 taon, ginagamit na ng mga tao sa buong mundo ang mga mobile wallet para magbayad ng mga produkto at serbisyo nang direkta mula sa kanilang mga cell phone. Sa katunayan, marami sa aming mga customer sa Remitly ang nagpapadala na ngayon ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga mobile money provider.

Tingnan ang listahang ito ng ilang nangungunang mga mobile wallet sa iba’t ibang rehiyon. Narinig mo na ba silang lahat?

Advertisement

Mobile Money sa Africa

Ang Africa ang may pinakamalaking mobile money market sa mundo, at ang pandemya ng COVID-19 ay nagpabilis lamang sa paglago nito. Upang pasiglahin ang ekonomiya, maraming mga gobyerno ng Africa ang nagbawas ng mga hadlang upang hikayatin ang mas maraming tao na mag-sign up para sa mga mobile wallet.

Maraming tao na naninirahan sa Africa ang walang access sa mga tradisyunal na serbisyo sa pagbabangko. Pinadali ng teknolohiya ng mobile money para sa mga hindi naka-bangko na makakuha ng access sa mga serbisyong pinansyal. Para magkaroon ng mobile money account, kailangan lang ng isang mobile phone—walang bank account na kailangan.

Bagama’t ang kasikatan ng mga sumusunod na kumpanya ay nag-iiba-iba ayon sa bansa, ang bawat isa sa kanila ay nakakatulong sa pagbibigay ng mga serbisyong pampinansyal na hindi maa-access ng maraming mamamayan.

Mobile Wallet na kilala sa Buong Mundo

1. MTN Mobile Money

Sa halos limampung milyong gumagamit nito sa buong mundo, ang MTN ay namumukod-tangi sa iba pang mga mobile wallet sa Africa para sa pagkilala at pagaampon ng brand. Nag-aalok ito ng mga serbisyo sa Rwanda, South Africa, Republic of Congo at hindi bababa sa 22 iba pang mga bansa sa Africa at Middle East.

2. Orange Money

Pagkatapos ng unang paglunsad nito noong 2008, ang Orange Money mula sa Orange Group ay mabilis na naging isa sa pinakakilalang mobile wallet sa Africa. Ito ay hindi masyadong ginagamit kung ikukumpara sa MTN. Mayroon din nito sa 18 bansa sa kontinente, kaya isa ito sa panguhanhing kakumpitensya ng MTN sa maraming lugar.

3. M-Pesa 

Inilunsad noong 2007 ng Vodafone Group at Safaricom, ang M-Pesa ay may aktibong mga operasyon ng ahente sa buong Democratic Republic of Congo (DRC), Egypt, Ghana, Kenya, Lesotho, Mozambique, at Tanzania.

Bagama’t magagamit lamang ito sa pitong bansa sa Africa, naabot pa rin ng M-Pesa ang napakalaking bilang ng mga mamamayan ng kontinente. Karamihan sa mga customer nito ay mula sa Kenya. Ang customer service ay isang pangunahing dahilan ng kanilang tagumpay. Kasabay ng paglaki ng kanilang user base, lumawak din ang network ng kanilang ahente.

Mobile Wallets sa Asia

Ang Asya ang sentro ng paggamit ng teknolohiyang ito. Sa China, halimbawa, ang mga digital wallet ay nagkakahalaga ng 48% ng dami ng pagbabayad at 70% ang inilalaan sa e-commerce.

Halos 1/3 na nilalaan sa e-commerce sa Asia ay direktang nagmumula sa mga mobile wallet na ito. Habang ang ilang sikat na pagpipilian sa mundo ay magagamit sa buong rehiyon, ang mga sumusunod na alok ay nananatiling pinakamalawak na ginagamit.

4. Alipay

Bagama’t maraming pagpipilian na mobile wallet sa China, ang Alipay pa rin ang nangunguna sa lahat. Noong 2020, bumuo ito ng 55% ng merkado ng mga pagbabayad sa mobile ng China, at patuloy itong lumalaki. Gustung-gusto ng mga tao ang alok na ito dahil nagbibigay din ito ng iba pang serbisyo tulad ng wealth management, investing, at micro-loan.

5. WeChat

Habang ang Alipay ang sinasabing pinakailalang ginagamit sa China, ang WeChat ay hindi rin naman nalalayo. Ayon sa pananaliksik mula sa mga huling buwan ng 2019, umabot na ito sa 39% sa merkado ng mobile wallet ng bansa at mayroong mahigit isang bilyong user.

Bilang isa sa pinakakilalang gamit sa komunikasyon sa bansa, agad na nagkaroon ng napakalaking user base ang alok nitong virtual na pagbabayad.

Mobile Wallet na kilala sa Buong Mundo

6. GCash

Maaring ang China ay may maraming kilalang virtual na tatak ng wallet, ang ibang mga bansa sa Asya ay may sariling mga mobile money provider. Sa Pilipinas, halimbawa, ang GCash ay may milyun-milyong user at sa ngayon ay ang pinakakilala mobile wallet sa bansa sa mga tuntunin ng kabuuang mga user.

Mobile Money sa Latin America

Tulad ng sa Africa, maraming tao sa Latin America ang hindi gumagamit ng mga tradisyunal na serbisyo sa pagbabangko, bagama’t nag-iiba ito ayon sa bansa. Gayumpaman, tulad ng sa ibang mga umuunlad na bansa, ang mga pagpipilian sa mobile money at mobile banking ay nakakakuha ng traksyon sa rehiyon.

Isang dahilan? Tumaas ang mobile internet access sa Latin America. Sa katunayan, ang nakaraang ulat ng Global System for Mobile Communication ay nagpapakita na ang saklaw ng 4G sa Latin America ay umabot sa 85% noong 2019, habang ang Mexico ay nakaranas lamang ng halos 20% na pagtaas sa paggamit ng mobile internet sa nakalipas na limang taon.

Ang mga pagbabayad sa digital at cloud ay inaasahang magtutulak ng pamumuhunan mula sa fintech at mga bangko sa Latin America sa mga darating na taon. Ang mga sumusunod na mobile wallet ay nagtatag na ang kanilang mga pangalan  upang samantalahin ang rebolusyong ito.

Mobile Wallet na kilala sa Buong Mundo

7. DaviPlata

Ang DaviPlata ay isang mobile wallet na inaalok ng isa sa pinakamalaking bangko sa Colombia, ang Banco Davivienda. Sa DaviPlata, maaaring magbayad ang mga taga-Colombia para sa maraming produkto at serbisyo kung hindi man ay kailangan nila bayaran ng cash. Maaari din mag-withdraw ng cash mula sa kanilang DaviPlata wallet sa Banco Davivienda ATM machine.

Ang Banco Davivienda ay nakikipagtulungan sa DaviPlata upang bigyan ang mga Colombian ng access sa mga serbisyong pinansyal nang hindi nangangailangan ng bank account. Maaaring maglipat ng pera ang mga user sa pagitan ng mga wallet, tingnan ang kanilang balanse sa kanilang telepono, at digital payment

Nagiging kilala ang DaviPlata dahil sa kontrata nito sa gobyerno ng Colombian na ipamahagi ang mga pagbabayad sa mga tatanggap ng Familias en Accion. Ang social safety net na programang ito ay umaabot sa mahigit 900,000 Colombians.

8. Tigo Money 

Maraming mamamayan ng Paraguay, Bolivia, Guatemala, Honduras, at El Salvador ang umaasa sa Tigo Money para sa kanilang mga pinansiyal na pangangailangan. Ipinagmamalaki ng mobile wallet ang milyun-milyong user sa mga bansang ito.

Ang Tigo Money ay isang bersyon lamang ng produktong Tigo, na kilala bilang Tigo Pesa sa Tanzania at Tigo Cash sa ibang bahagi ng Africa.

Mobile Wallets sa North America

Ang mga pagpipilian sa virtual na pagbabayad sa North America ay ilan sa may pinakamalawak na maaring gamitin sa buoung mundo. Ang mga digital tool na ito ay maaari ding gamitin sa ibang mga bansa sa mundo, ngunit hindi ito karaniwang magagamit para magpadala ng pera mula sa isang bansa patungo sa isa pa.

Bagama’t ang pagkakaroon ng mga serbisyong ito sa United States ay hindi kasinglawak ng kanilang kakayahan na gamitin, ang mga ito ay nagiging mas nakilala, lalo na sa mga retail na setting.

9. Google Pay

Ang mga user ng Android ay may built-in na virtual system ng pagbabayad sa Google Pay. Ang mga user ay maaaring gumawa ng mga contactless na pagbabayad sa napakaraming mga bansa, kabilang ang Austria, Singapore, at United States; makikia ang buong listahan dito. Gayunpaman, sa kasalukyan, ang pagpapadala ng pera sa mga kaibigan at pamilya gamit ang Google Pay ay limitado sa U.S. at India.

10. Apple Pay

Ang mga user ng iOS device, kabilang ang Apple Watch at iPad, ay maaaring magbayad gamit ang kanilang mga telepono sa mahigit 60 bansa.

11. Samsung Pay

Magagamit din ng mga may-ari ng mga Samsung device ang mobile wallet app para magbayad. Tinatanggap ito sa hindi bababa sa 24 na bansa.

Ano nga ba ang Mobile Money?

Maraming termino ang madalas nating ginagamit para sa teknolohiya ng mobile money: virtual wallet, digital wallet, mobile wallet, mobile banking, mobile payments —at marami pang iba.

Tingnan natin ang dalawa sa mga karaniwang terminong ito. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga mobile wallet na magbayad gamit ang iyong credit o debit card nang hindi kinakailangang dalhin ang mismo ang mga card. Sa halip, magbabayad ka mula sa isang app sa iyong telepono. Halimbawa, kapag gumamit ka ng mobile wallet para magbayad sa isang tindahan, maaari mong i-tap ang iyong telepono sa isang reader sa checkout station. Direktang makakapagbayad ka sa merchant sa pamamagitan ng mobile wallet gamit ang card na iyong ibinigay.

Ang terminong mas madalas na ginagamit sa mobile money ay tumutukoy sa kakayahang magbayad, maglipat ng pera sa pagitan ng mga account, magdeposito ng pera, o mag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng paggamit ng isang mobile device.

Hindi lahat ng mobile money account ay nangangailangan ng tradisyunal na bank account, kilala ito sa mga ito sa mga umuunlad na bansa, kung saan mas maraming tao ang malamang na “hindi nabangko.” Gamit lamang ang isang telepono, ang mga gumagamit ng mobile money ay maaaring mag-ipon ng mga pondo sa isang secure na account na konektado sa numero ng kanilang mobile phone. Maaari silang kumuha ng pera sa isang ahente ng mobile na pera upang maidagdag ito sa account ng kanilang telepono.

Samantala, ang iba ay maaaring maglipat ng pera sa mga mobile money account sa pamamagitan ng kanilang bangko, isang credit o debit card, isang remittance provider, o kanilang sariling mobile money account.

International na Pera-Padala sa mga Mobile Wallet

Nagiisip na magpera padala sa ibang bansa sa isang mobile money account? Subukan ang Remitly.

Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind.

Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.