Last updated on Enero 27th, 2023 at 08:43 umaga
Nag-iipon ka ng pera, at handa ka ng mag-deposito sa isang bagong apartment o isang paupahang ari-arian — ngunit gusto ng namamahala ng ari-arian na makakita muna ang katibayan ng iyong kita.
Ang pag-upa ng apartment ay isang senaryo lamang kung saan maaaring kailanganin mong magbigay ng mga dokumento ng katibayan ng kita. Ang mga bangko, kumpanya ng utility, at kumpanya ng credit card ay maaari ding hilinging i-verify ng iyong kita bago ka makapagbukas ng account sa kanila.
Ang ilang mga visa, tulad ng pensioner visa sa Panama, ay may itinatakdang pamantayan sa halaga ng kita.
Ang katibayan ng kita ay simpleng dokumentasyon na nagpapakita kung magkano ang iyong kinikita sa kabuuan. Kadalasan, hinihiling sa iyo na magpakita ng katibayan mayroon kang matatag na mapagkukunan ng kita.
Kabilang dito ang mga bank statement, pay stub, tax return, at iba pang legal na dokumento.
Magpatuloy sa pagbasa para sa higit pang detalye.
9 na dokumento karaniwang ginagamit bilang katibayan ng kita
1. Pay stub
Ang pay stub ay itinuturing na pinakamadaling paraan upang ipakita ang katibayan ng kita. Iyon ay dahil ipinapakita nito ang halaga na iyong kinita sa isang partikular na panahon ng suweldo gayundin ang iyong year-to-date (YTD) na kita.
Dahil ang pay stub ay isang opisyal na dokumento mula sa iyong employer, maaaring sapat na ito bilang katibayan ng kita na hindi kinakailngan pa ng karagdagang dokumento sa pag-verify ng kita.
Gayunpaman, kung bago ka lang nagsimula sa iyong trabaho, may ibat-ibang trabaho, o nakakuha ng kita sa pamamagitan ng mga tip o komisyon na hindi nakasaad sa iyong dokumento, maaaring hindi nito ibigay ang buong larawan ng katibayan ng iyong kita.
2. Tax return
Ang sunod na pinakamagandang katibayan ay isang kopya ng iyong pinakabagong income tax return. Sa U.S., iyon ang magiging federal tax return na iyong inihain sa IRS.
Ang mga tax return ay isang maaasahang paraan upang i-verify ang iyong kita dahil ang mga ito ay isang legal na dokumento na nagsasaad ng mga perang kinita mo mula sa pagtratrabaho at mga perang hindi mo kinita.
Ang problema sa paggamit ng tax return ay ipinapakita lamang nito ang iyong kita mula sa nakaraang taon ng buwis at hindi nagpapatunay na mayroon ka pa ring parehong trabaho o pinagmumulan ng kita.
3. Bank statement
Ang isang bank statement ay maaaring gamitin upang suportahan ang iba pang mga dokumento, tulad ng pagpapatunay na lehitimo ang iyong kita sa pagtatrabaho. Ipinapakita ng bank statement ang kabuuang balanse ng iyong bank account pati na rin ang anumang mga transaksyong ginawa mo sa panahong iyon.
Ito ay isang magandang paraan upang maipakita ang regular na daloy ng iyong pera, tulad ng buwanang mga deposito mula sa isang kliyente o employer, o katibayan ng iyong mga naipong pera.
Kung nag-aalala ka tungkol sa pagbabahagi ng iyong mga personal na impormasyon, magtanong kung maari ka lang magbigay ng statement of balance o alisin ang mga sensitibong pagbili.
4. Court-ordered payments
Kabilang sa Court-ordered payments ang mga suporta sa bata at sustento. Kung wala ka pang kopya ng talaan ng mga pagbabayad na ito, maaari kang kumuha ng mga ito mula sa korte.
Makakatulong ang mga dokumentong ito na katibayan na kaya mong magbayad ng upa, kahit na hindi sapat ang iyong kita mula sa iyong trabaho.
5. Mga benepisyo sa kawalan ng trabaho o kompensasyon ng manggagawa
Kung hindi ka kasalukuyang nagtatrabaho, ngunit tumatanggap ng mga suporta sa kawalan ng trabaho, kompensasyon ng manggagawa, o insurance sa kapansanan, maaari mo itong gamitin bilang katibayan ng kita.
Humingi lamang ng mga naaangkop na dokumento mula sa iyong insurance company, state unemployment division, o sa iyong employer.
6. Pension distribution o mga benepisyo ng Social Security
Ang Social Security Administration ay nagpapadala ng buwanang mga pagbabayad sa Social Security sa mga kwalipikadong retirado, samantalang ang mga pensiyon ay mga benepisyo sa pagreretiro na karaniwan para sa ilang mga propesyon gaya ng edukasyon, lokal na pamahalaan, at militar.
Maaari mong i-access ang Benefit Verification Letter mula sa iyong Social Security account online, o gamitin ang iyong Pension Distribution Statement (1099-R) bilang katibayan ng kita.
7. Profit at loss statement
Mas mahirap para sa mga taong self-employed na gumawa ng income statement, lalo na kung pagbago-bago ang iyong kita sa paglipas ng panahon. Halimbawa, ipagpalagay na ikaw ay isang freelance na graphic designer na binabayaran lamang pagkatapos makumpleto ang isang proyekto.
Kung ganoon ang sitwasyon, maaari kang magbigay ng profit at loss statement mula sa isang accounting solution tulad ng Wave o Xero, o isang earnings statement mula sa isang platform tulad ng UpWork. Bagama’t hindi ito mga legal na dokumento, maaari silang magsilbing katibayan ng iyong kita
8. W-2 or 1099-MISC forms
Ang isa pang alternatibo ay ang pagbibigay ng mga dokumento ng buwis, tulad ng isang W-2 o 1099 na form. Kung hindi mo pa naihain ang iyong tax return, o kung nagbago ang iyong kita mula noong huli kang nag-file, isa itong mabisang alternatibo.
Makakatanggap ka ng W-2 tax statement mula sa sinumang employer na nagbabayad sa iyo ng higit sa $600 bawat taon, kasama ang kahit ano uri ng na part-time na trabaho.
Kung nakatanggap ka ng anumang kita sa self-employment, dapat kang makatanggap ng 1099-MISC form sa pagtatapos ng taon ng buwis.
9. Sulat ng Katibayan ng Kita
Ang pinakahuli, kung wala sa mga dokumentong ito ang naaangkop, maaari mong hilingin sa iyong employer na gumawa ng isang sulat na nagsasaad ng pagpapatunay ng iyong kita.
Ito ay maaaring gamitin kung may mga kulang sa iyong mga dokumento sa pagtatrabaho na nauugnay sa isang sabbatical o leave of absence, o kung mayroon kang hindi pangkaraniwang compensation package na hindi makikita sa iyong mga pay stub.
Maaaring katibayanan ng iyong employer na nagtatrabaho ka para sa kanila at kumpirmahin ang iyong kita o termino ng pagtatrabaho sa kanila.
Paano ipakita ang katibayan ng kita
Ang iyong mga dokumento ng katibayan ng kita ay dapat na naglalaman ng iyong buong pangalan, ang petsa, at iba pang impormasyon sa iyong pagkakakilanlan, tulad ng iyong ID number o Social Security number.
Ang isang aplikasyon ay maaaring humingi ng katibayan ng kita mula sa isang partikular na oras, tulad ng nakaraang tatlong buwan o nakaraang taon. Kung mayroon kang full-time na trabaho, dapat ipakita ng iyong mga dokumento ng katibayan ng kita kung magkano ang iyong kinikita mula sa iyong suweldo.
Para sa mga taong self-employed, maaaring kailanganin mong magbigay ng katibayan ng kita sa mas mahabang panahon upang ipakita na ang iyong kita ay hindi nagbabago sa paglipas ng panahon.
Iba’t ibang pinagkukunan ng kita
May pagkakataong, maaring kailanganin mo ring matukoy ang iba’t ibang pinagkukunan ng kita.
Ang perang kinita ay tumutukoy sa perang kinikita mo mula pagtatrabaho, tulad ng sahod, suweldo, at mga tip, habang ang hindi kinikitang pera ay tumutukoy sa pera mula sa interes sa bangko, mga benepisyo sa kawalan ng trabaho, at mga pensiyon.
Ang ilang mga retirement visa ay nangangailangan ng katibayan ng hindi kinitang pera upang ipakita ang kakayahan mong suportahan ang iyong sarili nang hindi nagtatrabaho sa iyong bagong bansa.
Pabahay at katibayan ng kita
Bagama’t walang mahirap at mabilis na tuntunin sa kung magkano ang dapat kinikita ng isang nangungupahan, inirerekomenda ng mga eksperto sa pananalapi na magbayad ang mga nangungupahan ng 30% o mas kaunti ng kanilang buwanang kita sa upa.
Kadalasan ay gusto ng mga namamahala ng maylupa na tiyakin na sapat ang kinikita mo upang mabayaran ang iyong upa at makakabayad ka pa rin sa iyong mga gastusin.
Ang proseso ng screening ng nangungupahan ay maaari ding magsagawa ng background check o credit score bilang bahagi ng iyong aplikasyon sa pag-upa, depende sa mga batas sa iyong bansa o estado.
Tungkol sa Remitly
Kailangan mo bang magpera padala sa internasyonal para sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya na nakatira sa iba’t ibang bahagi ng mundo? Pinadali ito ng Remitly gamit ang isang maasahang mobile app at kanilang transparent fee structure. I-download ang app ngayon, upang makapagsimula.