Kung nagpaplano kang maglakbay sa ibang bansa o gusto mong magpadala ng pera sa pamilya o mga kaibigan sa ibang bansa, tiyak na kakailanganin mong magpapalit ng pera. Ngunit sa mga bangko, ATM, at sa iba’t-ibang money transfer service ay kadalasang nag-aalok ng magkakaibang halaga ng palitan, maaaring mahirap piliin kung saan madali magpapalit ng pera ng may pinakamagandang rate.
Ang pinakamagandang opsyon para sa iyo ay nakadepende sa kung saan ang iyong lokasyon, kung aling mga currency ang nais mong palitan, at kung gaano kabilis mo kailangan ang pera.
Tingnan natin kung kailan at saan ka dapat magpalit ng pera, pati na rin ang ilang mga alternatibo sa tradisyonal na mga money exchange services.
Bakit kailangan mong magpapalit ng pera?
Para sa mga gumagamit ng mga mobile app at money wallet sa bahay, marahil ay hindi pamilyar para sa kanila ang proseso ng pagpapalit ng pera. Ngunit ang mga mobile wallet ay karaniwang hindi nagpapahintulot na magpadala ng pera sa mga ibang bansa, at kakailanganin mo ng access sa lokal na pera ng bansang iyong pupuntahan.
Pinapadali ng mga credit card at debit card ang paglalakbay sa ibang bansa nang walang cash, ngunit ang paggamit ng iyong card sa ibang bansa ay maaaring magkaroon ng karagdagang bayarin o magdulot ng hindi inaasahang aberya. Narito ang tatlong dahilan kung bakit dapat kang magpapalit ng pera bago ang iyong susunod na biyahe.
1. I-lock sa pinakamagandang halaga ng palitan.
Ang mga halaga ng palitan ng pera ay patuloy na nagbabago batay sa kondisyon ng merkado at iba pang mga kadahilanan. Ang mga manlalakbay sa ibang bansa ay maaaring makatipid ng pera sa pamamagitan ng pagpapalit ng pera ng maaga kapag ang halaga ng palitan ay pabor sa kanila.
Ang pangunahing pagbubukod ay ang mga pera na nakatali sa halaga ng isang dayuhang pera. Ang West African CFA franc, halimbawa, ay nakatali sa euro (EUR), na nangangahulugang palagi kang makakakuha ng parehong halaga ng CFA francs—655.957—para sa 1 EUR.
2. Maaaring hindi tanggapin ng ilang vendors ang mga cards.
Habang parami ng parami ang mga vendor sa buong mundo ang tumatanggap ng Visa at Mastercard, hindi pa rin ito para sa lahat ng bansa. Ang ilang partikular na bansa ay patuloy na nagpapanatili ng isang cash-based na ekonomiya, kung saan ang mga ATM ay bihira lamang at karamihan sa mga retailer ay mas gusto ang mga barya at banknotes.
Maaaring may mga pagkakataon din na kailangan mo ng access sa maliit na halaga ng pera sa lalong madaling panahon pagkatapos mong dumating, tulad ng pagbibigay ng tip sa iyong taxi driver.
3. Maaaring may mataas na bayarin sa mga card.
Bagama’t madaling gamitin ang iyong credit o debit card, maaari itong magkaroon ng mataas na bayarin. Depende sa iyong card, maaari kang singilin ng currency conversion fee at foreign transaction fee, na maaaring 1% hanggang 3% ng presyo ng pagbili.
Dagdag pa rito, maaaring i-flag ng iyong bangko ang mga internasyonal na transaksyon bilang kahina-hinala, na hihilingin sa iyong tawagan sila upang muling i-activate ang iyong card bago mo ito magamit ulit.
Saan makakapag papalit ng pera
Ang iyong mga opsyon para sa pagpapalit ng pera ay depende sa currency na pinag-uusapan. Ang ilang partikular na currency ay maaaring makuha sa buong mundo, habang ang iba ay may mga limitasyon sa kung saan maaaring bilhin at ibenta ang mga ito. Halimbawa, hindi mo maaaring dalhin ang kip papasok o palabas ng Laos; kailangan mong humanap ng currency exchange kapag nakarating ka na doon.
Ngunit para sa maraming pera, hindi ka magkakaroon ng anumang problema. Dito maaari kang magpapalit ng pera para sa iyong susunod na biyahe.
Mga Bangko at credit unions
Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang makapag papalit ng pera ay ang pagbisita sa iyong lokal na bangko o credit union. Bagama’t dapat mo pa ring bantayan ang halaga ng palitan, ang mga financial institution ay may posibilidad na mag-alok ng mas mataas na halaga ng palitan kaysa sa iba pang mga negosyo
Maaari ka ring mag-order ng cash mula sa ilang mga bangko at ihatid ito sa iyong tahanan. Para sa mga order na wala pang $1,000 USD, naniningil ang Bank of America ng $7.50 na bayad sa pagpapadala at tinitiyak ang paghahatid sa loob ng 1-3 araw.
Gayunpaman, magagamit lamang ang opsyong ito para sa mga existing customer. Kakailanganin mong bayaran ito gamit ang iyong checking account o savings account, at kung ikaw ay isang new customer, ay kailangan mong kunin ng personal ang pera sa isang financial center.
Mga ATM
Kung hindi mo nais na i-convert ang iyong pera ng maaga at magdala ng malaking halaga ng cash, ang pag-withdraw ng pera mula sa isang ATM ay maaaring maging isang praktikal na pagpipilian. Mas pipiliin mo din maghanap ng ATM ng sarili mong bangko, ngunit kung wala silang anumang sangay ng bangko o ATM network sa bansang binibisita mo, sa halip ay maaari kang gumamit ng dayuhang ATM.
Ipagpalagay nating ikaw ay residente ng U.S. na bumisita sa Mexico. Maaari kang mag-withdraw ng pera mula sa iyong bank account sa U.S., ngunit sa halip na makatanggap ng U.S. dollars, makakakuha ka ng piso. Palaging piliin ang opsyong “magbayad sa lokal na pera” upang makuha ang pinakamahusay na mga rate ng conversion.
Ang mahalagang bagay na dapat bantayan ay ang card skimming. Ito ay kapag nakuha ng mga scammer ang mga detalye ng iyong credit o debit card kapag bumili ka. Maghanap ng mga ATM ng bangko na matatagpuan sa mga secure na gusali, sa halip na mga pribadong ATM sa mga lugar na may maraming turista. Gayundin, maging maingat sa anumang mga bayarin sa ATM at mga limitasyon sa pag-withdraw.
Mga airport kiosk at currency exchange store
Kapag nakarating ka sa isang bagong bansa, maaaring maging nakakasabik na dumiresto sa ATM o currency exchange kiosk sa airport. Bagama’t mainam itong gawin bilang isang huling paraan, ito ay bihirang ang pinakamahusay na pagpipilian. Hangga’t maaari, maghintay hanggang makarating ka sa iyong patutunguhan bago bumisita sa isang foreign bank o currency exchange store.
Ang mga tindahang tulad nito, gaya ng bureau de change sa France o casa de cambio sa Latin America, ay kumikita mula sa “spread,” o ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng pagbili at pagbebenta ng dalawang magkaibang currency. Bagama’t hindi ka makakatanggap ng mas magandang deal kaysa sa isang bangko, maaari kang maghanap sa paligid para sa pinakamagandang halaga ng palitan.
Dahil sa mga paghihigpit sa money-laundering, maaaring kailanganin kang gumawa ng pagkakakilanlan depende sa kung saan ka magpapalit ng pera, lalo na kung malaki ang halaga.
Mga alternatibo sa currency exchange
Maaaring mahirap ang pagpapalit ng pera, lalo na kung sanay kang magbayad gamit ang isang mobile wallet o banking app. Ano ang iyong mga opsyon kung ayaw mong magdala ng pera o kailangan mong magpadala ng pera sa mga kaibigan at pamilya sa ibang bansa?
International credit or debit cards
Parami ng parami ang mga financial institution na nag-aalok ng mga internasyonal na credit at debit card na tumutugon sa mga internasyonal na manlalakbay o mga taong residente ng higit sa isang bansa. Karaniwang inaalis ng mga card na ito ang mga bayarin sa transaksyon sa ibang bansa o pinapayagan kang magkaroon ng balanse sa maraming currency para hindi mo na kailangan magpapalit ng pera sa tuwing magbibiyahe ka.
Hinahayaan din ng ilang bangko na ipaalam mo sa kanila ang tungkol sa mga paparating na biyahe sa loob ng kanilang mobile app, kaya hindi mo kailangan mag-alala tungkol sa pag-flag nila ng iyong account habang nasa ibang bansa ka.
Mga Money transfer app
Ang isa pang paraan upang maiwasan ang mga tradisyunal na currency exchange services ay ang paggawa ng isang internasyonal na pagpapadala ng pera. Sa pamamaraang ito, maaari kang magpadala ng pera sa iyong sariling bank account sa ibang bansa o sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya na nakatira sa ibang bansa.
Ang mga money transfer app, tulad ng Remitly, ay kadalasang mas affordable at mas mabilis kaysa sa mga wire transfer, at maaari mong bayaran ang iyong pagpapadala gamit ang isang mobile wallet. Maaaring matanggap ng iyong tatanggap ang pera sa kanilang lokal na bank account o i-pick up ang pera sa isang kalahok na lokasyon.
Maililigtas ka ng mga app sa pagpapadala ng pera mula sa pag-aalala tungkol sa kung saan ka maaaring magpalit ng pera sa ibang bansa at magbibigay-daan sa iyo na makapili para sa pinakamagandang halaga ng palitan.
Magplano ng maaga upang makuha ang pinakamagandang mga rate
Ang pinakamagandang paraan upang magpapalit ng pera ay iba para sa lahat, ngunit may isang bagay na palaging isang magandang ideya: pagpaplano ng maaga.
Sa pamamagitan ng pag-alam kung saan magpapalit ng pera sa iyong patutunguhan bansa—o sa pamamagitan ng pag-convert nito bago ang iyong biyahe—maiiwasan ang magbayad ng mataas na bayarin sa mga airport ATM at exchange counter.
Pinapadali ng Remitly na magpadala ng pera sa buong mundo gamit ang aming affordable transfer fee at maaasahang mobile app. Ang bawat padala ay may guaranteed delivery time, at maaari kang mag-set up ng email, text, o push notification para subaybayan ang iyong pera sa lahat ng oras.
I-download ang app ngayon para makapagsimula!