Isang Tatak Pinoy na Pasko: 4 na Paraan para Magdiwang Kapag Wala Ka sa Pilipinas

Last updated on Agosto 21st, 2023 at 07:10 hapon

Ang Pilipinas ay kilala sa kanilang diwa ng Pasko. Nakikilahok sila sa isa sa pinakamahaba, kung hindi man pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko sa mundo. Maagang nagsisimula ang Pasko ng mga Pilipino sa mga isla—sa katunayan ito ay sa buwan ng Setyembre.  Sa sandaling dumating ang mga buwan ng “Ber”, nagsisimula na ang selebrasyon!

Para sa mga OFW, o overseas Filipino worker, maaaring mahirap na muling tuparin ang kaugaliang ito. Gayunpaman, nakahanap sila ng mga malikhaing paraan upang patuloy itong ipagdiwang. Dito sa Remitly, nagtanong-tanong kami upang malaman kung paano nila ito isinasagawa.

Advertisement

Sa Pilipinas, ang karaniwang mga kasiyahan ay misa sa madaling araw o Simbang Gabi, at mga awiting Yuletide na pinasikat ni Jose Mari Chan na pinatutugtog sa ibat-ibang pampublikong lugar.

Bagama’t hindi ito katulad sa ibang bahagi ng mundo, sinisikap ng mga Pilipino nasa ibang bansa na panatilihing espesyal ang pagdiriwang na ito saanman sila naroroon. Mula sa London hanggang Los Angeles, ang komunidad sa ibang bansa ng Pilipinas ay patuloy na gumawa ng mga paraan upang madama ang diwa ng Pasko kahit sila ay nasa malayong lugar.

4 Paraan para Panatilihin ang Diwa ng Paskong Pilipino sa Ibang Bansa

  1. Magdiwang kasama ang mga kapwa Pilipino – Ngayong taon, pinahirap ito ng mga paghihigpit sa COVID-19, ngunit hindi imposible. Malaking pagtitipon na may pagkaing Pinoy, karaoke, at pagpapalitan ng mga regalo ay ginagawa pa rin kahit magkakalayo! Ang mga kababayan ay patuloy na nakikipag-ugnayan at nagbabahagi ng mga kuwento sa pamamagitan ng Zoom, FaceTime, at iba pang paraan.
  2. Tawagan ang mga mahal sa buhay– Kung hindi mo sila makakasama nang personal, ang sunod na pinakamagandang gawin ay ang makasama sila gamit ang iyong mga device. Binibigyang-daan ng teknolohiya ang mga pamilya na manatiling konektado kahit sila ay magkakalayo. Ito ang panahon ng taon kung saan tinatawagan ng mga pamilya ang kanilang mga mahal sa buhay at ipahayag ang kanilang pagnanais na magkasama.
  3. Pagkain at dekorasyong Pamasko ng mga Pilipino – Kahit matagal nang nanirahan ang mga Pilipino sa kanilang bagong tahanan, marami parin sa mga pamilya ang gumagawa ng mga nakasanayang tradisyon tuwing Pasko. Kabilang dito ang pagbibigay ng aguinaldo o pamasko, paggamit ng mga dekorasyong parol o palamuti, pagluluto ng mga pagkaing Pinoy, at pagdiriwang ng Noche Buena.
  4. Makilahok sa mga lokal na pagtitipon – Bukod sa pagbabahagi ng Philippine-style Christmas spirit sa kanilang mga bagong host nation, ang mga Pilipino ay nakikibahagi din sa mga lokal na kultura. Ang ilan ay naglalaan ng kanilang oras at biyaya sa pamamagitan ng pamimigay ng mga Christmas food pack, pagsali sa mga fun run para sa charity, o pagboboluntaryo. Kahit na may mga paghihigpit na nauugnay sa COVID, maraming lokal na organisasyong Pilipino ang patuloy na nagsasagawa ng mga malayuan o socially distance na event at mga donasyon.

Paskong Pilipino

Tinanong namin ang aming mga miyembro at kaibigan sa Remitly team kung paano nila ipinagdiriwang ang Pasko nang malayo sa Pilipinas, at ito ang kanilang sinabi

Katrina T., Direktor, Marketing: “Ang isang paboritong kaugalian ay ang pagpupuyat sa Bisperas ng Pasko, pagdalo sa misa ng hatinggabi, pagpapalitan ng mga regalo, at pagkain ng Noche Buena, na siyang kapistahan na ibinabahagi sa iyong pamilya at mga kaibigan. Wala ng mas sasarap pa sa mainit na tsokolate batirol, pan de sal na may queso de bola at  marami pang pagkaing Pinoy sa bisperas bago ang Pasko!”

Christophe S., Graphic Designer: “Sa Bisperas ng Pasko, nakikipag-video call ako sa aking pamilya buong gabi kaya’t parang kasalo ko na rin sila sa pagkain ng Noche Buena at hapunan sa Pasko.”

Paano mo mapapanatiling buhay ang diwa ng Paskong Pilipino sa mga isla?

Saan ka man ngayong kapaskuhan, kami sa Remitly ay bumabati sa iyo ng Maligayang Pasko.

Karagdagang babasahin: 12 Popular na Pagkaing Pinoy na kilala ng Bawat Pilipino

Tungkol sa Remitly

Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind. Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.

About Evelyne Kuo