SWIFT vs IBAN | Alin ang Mas Mainam para sa Iyo?

SWIFT Code vs IBAN: Ano ang Pinakaepektibo?

IBAN o SWIFT? Alamin ang pagkakaiba at kung alin ang dapat mong gamitin.

bank wire transfer
Post Author:
Ang editorial team ng Remitly ay isang diverse na grupo ng international writers at editors na specialized sa finance, immigration, at global cultures. Nagbibigay kami ng accurate at updated na content para makatulong sa money transfers, pamumuhay sa ibang bansa, at iba pa.

Pag-unawa sa SWIFT Code at IBAN: Kumpletong Gabay sa Pag-lipat ng Pera sa Ibang Bansa

Kapag nagpapadala ka ng pera mula sa isang bansa patungo sa iba, kakailanganin mo ng ilang mahahalagang detalye upang matiyak na maayos ang proseso. Dalawang numero ang madalas hanapin ng mga bangko: SWIFT code at IBAN. Kaya lumilitaw ang mga tanong: Ano ang SWIFT code? Ano ang IBAN? At kailangan mo ba talaga ang alinman sa dalawang ito para mag-remit?

Ang dalawang termino ay pinaikling paraan ng mga bangko para mag-palitan ng impormasyon. Mas malawak na ginagamit ang mga SWIFT code sa buong mundo, samantalang nagbibigay ang IBAN ng espesipikong impormasyon tungkol sa bank account sa ilang bansa. Parehong tumutulong ang SWIFT at IBAN na gawing mas episyente at mas ligtas ang internasyonal na pag-lipat ng pera, ngunit magkaiba ang uri ng impormasyong ibinibigay nila.

Ano ang SWIFT code at paano ito naiiba sa IBAN?

Bago ipinakilala ang IBAN at SWIFT, mahirap ang mga internasyonal na transaksiyon dahil walang iisang pamantayang pang-identipikasyon ng account na kinikilala ng lahat ng bansa. May routing number para sa mga domestic transfer, pero wala para sa bayaring cross-border, kaya’t madalas magkaroon ng pagkakamali: pwedeng mapunta ang pera sa maling tao, maantala, o tuluyang mawala.

Naging mas simple ang proseso nang dumating ang SWIFT code noong 1973 at ang IBAN noong 1997. Hanggang ngayon, malaki pa rin ang papel na ginagampanan ng dalawang sistemang ito sa internasyonal na pag-lipat ng pera.

Mag-check ng IBAN

SWIFT vs. IBAN: Ano ang pinagkaiba?

Sa pinakapayak na paliwanag, tinutukoy ng SWIFT code ang isang tiyak na bangko, samantalang tinutukoy naman ng IBAN ang partikular na bank account ng nagpapadala o tumatanggap. Parehong nagpapabilis at nagpapahusay ng accuracy ng mga international fund transfer, bagaman hindi lahat ng bansa ay gumagamit nito. Halimbawa, hindi ginagamit ng Estados Unidos ang IBAN, ngunit kakailanganin mo pa rin ito kung magpapadala ka sa bansang gumagamit nito.

IBAN (International Bank Account Number)

Ang IBAN ay pinaikling International Bank Account Number. Pinadadali nito ang pagkilala sa bansang pinagmulan ng bangko at sa mismong account holder. Nagsisimula ito sa dalawang letra para sa country code, sinusundan ng dalawang check digit, at maaaring maglaman ng hanggang 35 na alphanumeric na character para sa detalye ng account. Inilunsad ito ng International Organization for Standardization (ISO) noong 1997 at tinanggap ng maraming bansa, lalo na sa Europa, Gitnang Silangan, at Caribbean.

SWIFT code (Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication)

Ang SWIFT code—tinatawag ding SWIFT/BIC o Bank Identification Code—ay ginagamit ng mga institusyong pinansyal sa buong mundo upang ligtas na mag-palitan ng impormasyon at instruksyon. Karaniwang binubuo ito ng 8 hanggang 11 karakter:

  • 4 na letra: identifier ng bangko

  • 2 na letra: country code

  • 2 na karakter (letra o numero): location code

  • 3 optional na karakter: branch code

Dahil dito, nababawasan ang panganib ng pagkakamali at mas mabilis ma-proseso ang mga transfer.

Kailangan ko bang gumamit ng IBAN?

Kapag nagse-set up ka ng international wire transfer, hihingan ka ng iyong bangko ng iba’t ibang detalye ng tatanggap; maaaring kabilang dito ang kanilang IBAN. Makikita ito sa bank statement o direkta sa bangko ng tatanggap. Kung madalas kang mag-padala ng pera sa ibang bansa, magiging pamilyar ka sa IBAN dahil standard na ito sa maraming rehiyon. Gayunman, maraming modernong app-based na paraan ng pag-lipat ng pera ang hindi na nangangailangan ng IBAN o SWIFT sa karamihan ng kaso.

Kailangan ko bang maglagay ng IBAN o SWIFT code kapag gumagamit ng Remitly?

Kadalasan, hindi na. Sa Remitly, ginagawa naming simple ang proseso:

  1. I-download ang app at gumawa ng account (para sa mga first-time user), pagkatapos ay piliin ang bansang padadalhan.

  2. Ilagay ang halaga ng pera na ipapadala.

  3. Pumili ng paraan ng paghahatid—maaaring bank deposit, cash pickup, mobile wallet o home delivery, depende sa bansa.

  4. I-enter ang impormasyon ng tatanggap. Kung bank deposit ang pinili, maaaring kailanganin lamang ang kanilang account number; para sa ilang bansa tulad ng Pakistan, kakailanganin ng IBAN.

  5. I-enter ang iyong impormasyon bilang nag-padala.

  6. Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad at ilagay ang detalye.

Para sa mga Single Euro Payments Area (SEPA) transfer sa loob ng EU, kailangan ang IBAN at SWIFT/BIC para sa dagdag na seguridad.

Mas mainam na pag-lipat ng pera

Bagaman maliit na detalye lamang ang SWIFT code o IBAN, mahalaga ang mga ito para sa tamang pag-lipat ng pondo sa ibang bansa. Sa Remitly, tinutulungan ka naming huwag nang alalahanin ang mga code na ito—guided ka ng app kung kelan lang talaga kailangan. Makasisiguro kang makararating nang mabilis at ligtas ang iyong ipinapadalang pera.