Paano Ligtas na Magpera Padala sa Cebuana sa Pilipinas sa 5 Madaling Hakbang

Last updated on Agosto 21st, 2023 at 03:00 hapon

Kung sinusuportahan mo ang iyong mga mahal sa buhay at nagpapadala ng pera sa Pilipinas, ikaw ay tulad ng milyun-milyong kapwa mo Pilipino. Sa katunayan, ang mga pagpapadala ay bumubuo ng halos 10% ng ekonomiya ng bansa.

Kung isa ka sa mga overseas worker na tumutulong sa iyong mga kamag-anak, gusto mong hanapin ang pinakaligtas na paraan upang matiyak na mas maraming pera ang iyong maiuuwi. Makakatulong ang Remitly.

Advertisement

Ginawa ng Remitly app na maging napakasimple ang magpadala ng pera sa Cebuana. Magpatuloy sa pagbabasa para sa karagdagang impormasyon.

Sinusubukang maglipat ng pera sa pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas? Sundin ang mga simpleng hakbang na ito para ligtas na magpadala ng pera sa Cebuana:

  1. Para sa mga bagong user, i-download ang Remitly app at gumawa ng account. Pagkatapos ay piliin ang Pilipinas bilang iyong destinasyong bansa.
  2. Ilagay ang halagang gusto mong ipadala, gayundin kung aling currency ang dapat nitong matanggap (USD o Philippine Pesos).
  3. Piliin ang iyong nais na paraan ng pagpapadala. Pagkatapos ay piliin ang Cebuana mula sa listahan ng mga pagpipilian.
  4. Ilagay ang impormasyon ng tatanggap ng iyong padala, tulad ng kanilang pangalan at tirahan, at pagkatapos ay ilagay ang iyong impormasyon bilang nagpadala.
  5. Piliin ang iyong nais na paraan ng pagbabayad (credit o debit card), at ilagay ang iyong mga detalye sa pagbabayad.

At ayun na nga!  Mabilis na suriin ang iyong mga detalye at pindutin ang ipadala. Maari ka ng magpahinga dahil makatitiyak na makakarating ang pera mo sa iyong mga mahal sa buhay.

Magpera Padala sa Cebuana sa Pilipinas

Bakit Dapat Kong Gamitin ang Remilty para Magpera Padala sa Cebuana?

Sa Remitly, tunay na napakadaling magpera padala saanman lugar sa anumang oras gamit ang iyong telepono o computer. Nagaalok kami ng napakahusay na halaga ng palitan ng USD sa PHP, para ang iyong mga mahal sa buhay ay makatanggap ng mas mataas na halaga ng piso kada dolyar.

At kapag ginamit mo ang Remitly sa unang pagkakataon para magpadala ng pera sa Pilipinas, makakatanggap ka ng espesyal na halaga ng palitan ng Philippine Peso. Maaari mong basahin ang higit pa tungkol dito.

Sa huli, 100% tinitiyak ng Remitly ang lubos na peace of mind. Kung may isyu sa iyong pagpapadala, maibabalik sayo ang iyong pera.

Gaano Kabilis Makakarating ang Aking Pera sa Cebuana?

Gamit ang Remitly, ang pagpapadala ng pera sa Cebuana ay mabilis at madali. Ang mga nagpadala na nagbabayad gamit ang debit o credit card ay maaaring mapadala agad ng pera.

Para sa mga hindi nagmamadali, ang pagpapadala sa pamamagitan ng bank account ay tumatagal ng tatlo hanggang limang araw.

Magkano ang maaring kong ipadala sa Cebuana gamit ang Remilty?

Ang Remitly ay nakatuon sa pagtulong sa mga user na magpadala ng malaki at maliit na halaga sa Pilipinas kasabay ng pagtitiyak ng kaligtasan at pagsunod sa mga regulasyon. Layunin nito na protektahan ka, ang iyong pera, at ang tatanggap ng iyong padala.

Para sa layuning iyon, mayroon itong mga limitasyon sa pagpapadala batay sa impormasyong ibinigay ng isang user.

Ang mga user na nagbibigay ng pinakamababang kinakailangang impormasyong ay maaaring magpadala ng hanggang:

  • $2,999 sa loob ng 24 oras
  • $10,000 sa loob ng 30 araw
  • $18,000 sa loob ng 180 araw

Ligtas bang Magpera Padala sa Cebuana gamit ang Remilty?

May dahilan kung bakit milyun-milyon sa buong mundo ang nagtitiwala sa mga serbisyong Pera Padala ng Remitly.

Gumagamit ang Remitly ng dalawang-factor na pag-verify at pag-encrypt ng personal na data upang matiyak ang ligtas na pag-login at mga transaksyon.

Maaari mo ring i-on ang mga SMS/text notification para mabantayan ang iyong padala. Kung magkaroon ng problema sa papadala ng pera, maibabalik sa iyo ang iyong pera.

Magpera Padala sa Cebuana sa Pilipinas

Bakit Hinahangaan namin ang Cebuana

Ang Cebuana Lhuillier ay isang pawnshop at (hindi bangko) na institusyong pinansyal na kilala sa buong Pilipinas. Mayroon silang mahigit 2,500 na sangay sa buong bansa—at tiyak na mayroong malapit sa mga miyembro ng iyong pamilya.

Mayroon din silang bagong 24K card na may kilalang rewards program at maraming diskwento.

Saan pa ako Maaring Magpera Padala sa Pilipinas?

Kailangang magpadala ng pera sa ibang lokasyon ng pagbabayad? Ang Remitly ay mayroong mahigit 10,000 bangko at mga cash pick up partner sa buong Pilipinas kabilang ang M Lhuillier, Cebuana, BPI, Metrobank, anumang SM Mall at anumang Globe outlet.

Maaari ka ring magpadala sa GCash gamit ang Remitly—alamin ang higit pa dito.

Maaari mong makita ang listahan ng lahat ng aming mga kasosyo sa Pilipinas dito.

Tungkol sa Remitly

Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind. Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.