Ang data at istatistika na binanggit sa artikulong ito ay batay sa isang survey na isinagawa ng Remitly noong Q4 2022 sa mahigit 2,500 respondent na nagpadala ng international transfer sa nakaraang 6 na buwan. Ang mga use case na ibinigay ay hypothetical at nagsisilbing paglalarawan ng potensyal na epekto ng mga remittance sa mga ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon.
Ang pagpapadala ng pera pauwi sa ating tahanan ay hindi lamang tungkol sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan; may kapangyarihan itong baguhin ang buong ekonomiya at iangat ang mga komunidad. Bilang isang imigrante, nauunawaan mo ang malalim na epekto ng mga remittances sa buhay ng iyong mga mahal sa buhay. Ang bawat transaksyon ay nangangahulugan ng higit pa sa pagpapadala ng pera; ipinapakita nito ang iyong hindi mapapantayang dedikasyon sa pagsuporta sa iyong pamilya, pagdiriwang ng mga tradisyon, at pamumuhunan sa mas magandang kinabukasan.
Dito sa Remitly, ipinagmamalaki naming tulungan kang magpadala ng pera ng ligtas, mabilis, at madali. Sa isang kamakailang survey na isinagawa namin sa mga nagpapadala ng pera sa ibang bansa, sinilip namin ang mga nangungunang dahilan kung bakit pinili ng mga taong tulad mo na magpadala ng pera sa pauwi sa inyong tahanan.
Ang mga resulta ay nagpapakita kung gaano kalaki ang maaaring epekto ng iyong mga remittance sa pamumuhay ng mga tao.
Mga Pinaka Karaniwang Dahilan sa Pagpapadala ng Pera Pauwi sa Tahanan
- Pangangailangan sa bahay
- Mga Gastos Pang-Medikal
- Mga Espesyal na Okasyon
- Mga regalo
- Pamimili
- Pag-iipon o Pamumuhunan
- Pagbabayad ng Bahay o Lupa
- Matrikula o Bayarin sa Paaralan
- Mga Gastos sa Negosyo
Pangangilangan sa Bahay
Ang pagsuporta sa mga pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya, tulad ng pagkain, kagamitan, at pananamit, ay isang pangunahing dahilan sa pagpapadala ng pera. Hindi kataka-taka na tinawag ng mga respondent ang “mga pangangailangan ng bahay” bilang kanilang numero unong dahilan sa pagpapadala ng pera sa pauwi sa knilang tahanan.
Mula sa Southeast Asia hanggang Central America at mga bansa sa pagitan, umaasa ang mga pamilya sa mga kontribusyon ng kanilang mga mahal sa buhay bawat buwan.
Sa pamamagitan ng pagtiyak ng kanilang kalagayan, hindi ka lamang nagbibigay ng kaginhawahan at katatagan, ngunit nag-aambag din sa lokal na ekonomiya. Ang iyong mga remittances ay nagpapasigla sa demand o pangangailangan, na sumusuporta sa mga lokal na negosyo at mga vendor na nagsusuplay ng mga mahahalagang produkto at serbisyo.
Mga Gastusin Pang-Medikal
Pagkatapos ng mga pangunahing pangangailangan, ang mga gastusin sa medikal ay pangalawang pinakakaraniwang dahilan ng pagpapadala ng pera sa pauwi sa mga tahanan. Ang access sa kalidad na healthcare ay isang universal na pangangailangan, at sa kasamaang palad, hindi ito pantay-pantay na makukuha sa buong mundo. Maaaring kailanganin ng isang lola sa Ghana ang isang life-saving treatment, o maaaring kailanganin ng isang batang pamangkin sa Guatemala ang gamot para gumaling. Sa alinmang paraan, karaniwan na ang mga padala o remittances ay ang nagiging paraan sa mga ganitong sitwasyon.
Ang mga padala ay maaaring magpalakas sa sektor ng healthcare sa inyong bansa, na nagpapalawak sa mga ospital, klinik, at mga medical professional, at sa gayon ay nagpapabuti sa kabuuang imprastruktura ng kalusugan.
Mga Espesyal na Okasyon
Ang mga espesyal na okasyon tulad ng mga pista, kasal, libing, at mga kultural na selebrasyon ay may malaking kahalagahan sa mga komunidad ng mga imigrante. Higit sa kalahating mga respondent ang nagsabi na nagpapadala sila ng pera para sa mga okasyong ito.
Maging Pasko, Ramadan, Araw ng Ina, o Lunar New Year, ang mga padala ay paraan upang masiguro na makalahok ang iyong mga mahal sa buhay sa mga mahahalagang okasyong ito at lumikha ng mga masasayang alaala.
Mga Regalo
Ang mga regalo ay isa pang karaniwang dahilan ng pagpapadala ng pera sa pauwi sa mga tahanan ayon sa mga respondent sa survey. Ang mga regalo ay hindi lamang para sa malalaking pagdiriwang, maaari rin itong para sa mga kaarawan, anibersaryo, o “dahil gusto lang.”
Ang mga padalang regalo ay hindi lamang nagdudulot ng kaligayahan sa inyong pamilya kundi maaari rin nitong suportahan ang mga lokal na artisan at maliliit na negosyo.
Pamimili
Ang lahat ay karapat-dapat sa access sa dekalidad na mga produkto at mas magandang pamumuhay, kaya hindi nakakagulat na maraming mga respondent ang nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya upang matulungan silang makapamili para sa dekalidad na mga produkto.
Ang pagbibigay sa iyong pamilya sa paraang ito ay may malalim na epekto sa lokal na ekonomiya. Mula sa mga damit at elektroniko sa Mexico hanggang sa mga kalakal sa bahay sa Pilipinas, ang inyong suporta ay nagpapalakas sa paggastos ng mga mamimili at nagpapasigla ng paglago ng ekonomiya.
Pag-iipon o Pamumuhunan
Hindi lamang pangunahing pangangailangan ang pinapadala ng mga imigrante. Ang kanilang mga padala ay nagbibigay-buhay din sa kinabukasan. Ang pagpapadala ng pera upang makatulong sa pagbukas ng savings account o pagpapamuhunan ay isa sa mga karaniwang paraan upang gawin ito.
Sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera para sa savings o investments, itinatag mo ang pundasyon para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya sa inyong bansa. Ang inyong mga padala ay maaaring magbukas ng negosyo, mag-invest sa edukasyon, o magbigay ng kaligtasan sa pera sa inyong pamilya.
Pagbabayad sa Lupa o Bahay
Isang karaniwang dahilan para sa pagpapadala ng pera pauwi sa tahanan? Bahay. Ang pagkakaroon ng ligtas na tirahan ay isang prayoridad para sa maraming pamilya. Ang pagmamay-ari ng bahay ay nagbibigay ng katatagan at isang malaking tulong sa paglago ng ekonomiya.
Ang pagdagdag ng pondo para sa pagpapatayo o pag-uupa ng bahay ay nagpapasigla rin sa aktibidad sa ekonomiya, naglilikha ng mga oportunidad sa trabaho, at nagpapabuti sa kalidad ng tirahan sa inyong bansa.
Matrikula o Bayarin sa Paaralan
Marami sa mga pagpapadala ay para magbigay suporta sa kanilang mga mahal sa buhay sa pagbabayad ng tuition fee, pagbili ng mga aklat o uniporme, at pagtustos sa iba pang mahahalagang gastusin sa edukasyon.
Ang pamumuhunan sa edukasyon sa pamamagitan ng iyong pagpapadala ay may malalim na epekto sa ekonomiya. Sa pagsuporta sa mga educational pursuits ng iyong pamilya, pinapalakas mo ang pag-unlad ng mga skilled workforce, nagbibigay daan sa pagbabago, negosyo, at iba’t ibang aspeto ng ekonomiya.
Mga Gastusin sa Negosyo
Isang mas maliit ngunit hindi dapat ipagwalang bahala na bahagi ng mga respondent ang nagpapadala ng pera sa ibang bansa para sa negosyo.
Ito ay maaaring nangangahulugan ng pagbibigay suporta sa negosyo para sa iyong pamilya o mamuhunan sa isang lokal na venture na pinapatakbo ng mga mapagkakatiwalaang ka-partner. Sa alinman sa kanilang mga kaso, ang negosyong ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga indibidwal at komunidad.
Ang Natutunan
Ang iyong mga padala ay hindi lamang sumusuporta sa iyong pamilya kundi pati na rin sa mga lokal na negosyo, sistema ng kalusugan, edukasyon, at negosyo sa iyong sariling bansa. Sa pagpili ng Remitly bilang iyong pinagkakatiwalaang app para sa pagpapadala ng pera, ikaw ay nagiging bahagi ng positibong pagbabago at nag-aambag sa matatag na pag-unlad ng iyong komunidad.
Salamat sa pagiging bahagi ng komunidad ng Remitly.”
Tungkol sa Remitly
Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind. Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.