Korean Christmas Playlist: 9 na K-Pop na Awiting Pamasko para pasiglahin ang Iyong Mood

Ang Korean pop music, na kilala bilang K-Pop, ay kinilala sa mundo sa nakalipas na dekada. Ang K-Pop ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga kapanapanabik, masisiglang musika na ginagampanan ng mga malalaking artista.

Sa napakaraming masugid na tagahanga, hindi nakakagulat na ang sitilo ng musikang ito ay nakilala sa panahon ng bakasyon kasama ang mga K-Pop na Christmas songs.

Advertisement

Tulad ng maraming iba pang mga bansa, ang Pasko ay isang sikat na pagdiriwang sa Korea. Bagama’t hindi ito ang pinakamalaking holiday ng taon—ang karangalang iyon ay para sa mga opisyal na pista tulad ng Seollal at Chuseok—ang Pasko ay masayang ipinagdiriwang pa rin sa bansang ito sa Asya.

Ang isang kawili-wiling pagkakaiba sa pagdiriwang ng Pasko sa Korea at Pasko sa maraming iba pang bahagi ng mundo ay ang pagdiriwang sa Korea ay  nakatuon sa mga mag-asawa, katulad ng Araw ng mga Puso. Sa South Korea, ang ika-25 ng Disyembre ay isang oras para magpahinga at magsaya sa isang romantikong gabi kasama ang isang taong espesyal.

Mga Orihinal na Pamaskong Awitin ng K-Pop 

Bagama’t may ilang sikat na Korean na bersyon ng mga tradisyonal na Christmas carols, ang K-Pop Christmas music ay isang natatanging subgenre—at ito ay isa sa kailangang pakinggan kung mahilig ka sa sparkling, flawless production, energetic beats, at soulful singing.

Ngunit hindi mo mapapakinggan ang tungkol kay Santa, snow, at mga Christmas tree. Sa romantikong panahon na ito, ang pinakasikat na orihinal na mga K-Pop holiday songs ay tungkol sa pagnanabik at pag-ibig

Kahit saan ka man magdiriwang ng Pasko ngayong taon—o kung sino ang kasama mo sa pagdiriwang—umaasa kaming masisiyahan ka sa playlist na ito ng siyam na sikat at orihinal na Pamaskong Awitin ng K-Pop.

1. “Goodbye Christmas” — LAY

Para sa isang madamdamin at malumanay na awiting Pamasko, huwag nang humanap pa, dahil ito ay ang awiting “Goodbye Christmas” mula sa K-Pop sensation na si LAY. Ito ay hindi isang klasiko, masayang awitin, kundi ito ay may malungkot na piano melody na sumasabay sa boses ni LAY, at naghahatid ng isang mapait na emosyon ng pananabik sa mga holiday. Tamang-tama para sa isang mapayapang gabi ng taglamig sa bahay.

2. “Lonely Christmas” — Monsta X

Naghahanap ng tugtuging pop para sa iyong Christmas K-Pop? Ang “Lonely Christmas” ng Monsta X ay parang isang malungkot na awitin, ngunit ito ay isang upbeat na tugtugin tungkol sa pagnanais na magkaroon ng isang espesyal na tao na makasama mo para sa mga natatanging pagdiriwang. Sa pamamagitan ng isang makalumang tunog, kaakit-akit na melodies, at hindi nakakasawang groove, ito ay isang awiting gusto mong pakinggan ng paulit-ulit.

3. “Christmas Day” — Starship Planet

Ang Starship Planet ay isang K-Pop powerhouse na binubuo ng mahigit isang dosenang kilalang Korean artist. Ang isa sa mga pinakasikat na awitin para sa holiday ng grupo, ang ” Christmas Day,” ay isang kaakit-akit na awitin na may R&B-inspired na tunog at masasayang vocal na nagpapahayag ng pananabik sa kuwento ng pag-ibig sa Araw ng Pasko.

4. “Merry & Happy” — TWICE

Isang iconic na K-Pop girl group, ang Christmas song ng Twice na “Merry & Happy” ay isang masayang awitin na siguradong tatatak sayo—ngunit malamang na hindi mo mapapansinl! Ang “Merry & Happy” ay may mas nakilala ang tunog ng Pasko, na may mga kampana at chime sa kabuuan.

Ang mga liriko ay tungkol sa isang espesyal na taong tumulong na gawing bago at masaya muli ang mga opisyal na pista—isang romantikong mensahe na naguuganay sa  tradisyon ng Pasko ng Korea.

5. “Dear Santa” — Girls’ Generation-TTS

Para sa sinumang nagiging sentimental sa pagsapit  ng Pasko bilang isang bata, ang awiting ito ay para sa iyo. Ang “Dear Santa” ng Girls’ Generation-TTS ay isang kinagigiliwang Christmas anthem na nagsisimula sa mga magagandang harmonies at kaaya-ayang mga instrumento bago maging isang malakas, at rock na awitin tungkol sa muling pagtuklas ng kagalakan mula sa pagmamahal ng isang espesyal na tao.

6. “Miracles in December” — EXO

Dekorasyon sa Pasko Hindi kumpleto ang listahang ito kung wala ang mga K-Pop icon na EXO! Sa pamamagitan ng dramatikong piano, pinipigilan ang mga vocal harmonies, at tumataas na mga string sa background, ito ay isang mas mabagal, mas mapanglaw na Christmas song.

Parehong emosyonal ang pagkaka-awit at ang kahulugan ng mga liriko. Ang awitin ay tungkol sa pangungulila ng isang tao sa Pasko, ang araw kung kailan dapat kapiling mo ang iyong mga mahal sa buhay. Ito ay isang malungkot ngunit magandang awitin.

7. “Snow Kiss” — Teen Top

Kung naghahanap ka ng perpektong K-Pop Christmas song para sa ipagdiwang ang inyong relasyon ngayong taon, para sa iyo ang awiting ito! Ang “Snow Kiss” ng Teen Top ay isang masigla, rock-inspired na pop song na may hindi mapaglabanan na festive groove.

Ang awiting ito ay tungkol sa pagiging baliw sa pag-ibig sa isang tao sa panahon ng Pasko, at ito ay naghahatid ng isang masaya, positibo, at puno ng mensahe ng pag-asa.

8. “White” — Fin.K.L

Gamit ang sikat na melody ng “Feliz Navidad,” pinagsama ng K-Pop reimagining na ito ang dance-pop, R&B, at maging ang hip-hop para sa bago at modernong tunog. Sa mga throwback 80s synths at isang groovy beat na, ito ay isang kaibig-ibig, romantikong Christmas song tungkol sa pagpapadama na ligtas, maasahan, at labis na pagmamahal sa iyong partner—at pananatiling mainit na pagsasama sa malamig na Bisperas ng Pasko.

Using a sample of the famous melody of “Feliz Navidad,” this K-Pop reimagining combines dance-pop, R&B, and even hip-hop for a fresh, modern sound. With throwback 80s synths and a groovy beat to match, this is a lovely, romantic Christmas song about feeling safe, secure, and in love with your partner—and keeping warm together on a cold Christmas Eve.

9. “Santa U Are the One” — SMTOWN

Ang hindi magpapahuli sa aming playlist ay ang “Santa U Are the One” ng SMTOWN. Ang masayang Pamaskong awiting ito ay pamilyar para sa mga mahilig sa carol.

Ang awiting ito, na inaawit sa Ingles, ay tungkol kay Santa Claus, pinasasalamatan siya at wari’y nagtatanong kung paano niya ginagawa ang pagdiriwang taon-taon— ang pagpapalaganap ng kagalakan at ginagawang mas magandang lugar ang mundo.

Ngayong Holiday Season, Manatiling Konektado Saanman naroon

Makulay na Korean Street Saan ka man sa mundo ngayong Pasko, narito ang Remitly para tulungan kang maging mas malapit sa mga taong pinakamahalaga para sayo. Ang aming internasyonal na money transfer app ay isang maasahan, madaling gamitin, at murang paraan upang magpera padala sa South Korea ngayong kapaskuhan.

Tungkol sa Remitly

Ang Remitly ay nasa isang misyon na gawing mas mabilis, mas madali, mas transparent, at mas affordable ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Mula pa noong 2011, milyun-milyong tao ang gumamit na ng Remitly upang magpadala ng pera ng may peace of mind.

Bisitahin ang homepage, i-download ang aming app, o tingnan ang aming Help Center para makapag simula.

About Mariana Anna Oliveros