Ano ang Fijian Dollar?
Ang Fijian dollar ang opisyal na salapi ng Fiji simula noong 1969. Inilalabas ito ng Reserve Bank of Fiji. Kilala ito sa pinaikling anyo na “FJ$” upang maiba mula sa ibang mga dolyar sa mundo, at may opisyal na currency code na “FJD.” Nahahati ang bawat dolyar sa 100 cents.
Mga Denominasyon ng Fijian Dollar
Barya:
-
5, 10, 20, at 50 cents
-
1 at 2 dollars
Banknotes:
-
5, 10, 20, 50, at 100 dollars
5 Kakaibang Katotohanan Tungkol sa Fijian Dollar
Narito ang ilang bagay na maaaring hindi mo pa alam tungkol sa salaping Fijian.
1. Pinalitan si Reyna Elizabeth II ng mga halaman at hayop
Bago ang 2012, makikita si Reyna Elizabeth II sa pera ng Fiji bilang pagkilala sa pagiging kasapi ng bansa sa Commonwealth of Nations.
Nang inilabas ang bagong disenyo ng mga banknote noong 2012, pinalitan ang larawan ng reyna ng mga imahe ng mga halaman at hayop ng bansa.
Kabilang dito ang kulawai (red-throated lorikeet), ang gobi (isang uri ng isdang tubig-tabang), at ang tagimoucia, ang pinakakilalang bulaklak ng Fiji na tumutubo lamang sa isang isla.
2. Dati nang ginamit ng Fiji ang dolyar
Bago ang 1968, habang kolonya pa ng Britanya, pound ang ginagamit na salapi sa Fiji. Ngunit noong 1800s, nagkaroon na rin ng sariling dolyar ang Fiji. Matapos maging malaya mula sa Britanya, bumalik ang bansa sa paggamit ng dolyar bilang opisyal na pera.
3. Hindi ginagawa sa Fiji ang kanilang salapi
Bagaman may ibang bansa na nag-iimprenta at gumagawa ng sarili nilang pera, hindi ito ginagawa sa Fiji. Karamihan sa mga banknote ng Fiji ay iniimprenta ng De La Rue Currency sa United Kingdom. Ang mga barya naman ay karaniwang gawa ng Royal Canadian Mint.
4. Naglabas ang Fiji ng $7 banknote
Noong 2017, bilang paggunita sa pagkapanalo ng Fijian 7s rugby team ng gintong medalya sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil, naglabas ang bansa ng $7 bill. Ipinakita sa banknote ang mga atleta, ang Punong Ministro, at mga opisyal ng koponan. Legal tender pa rin ito sa Fiji, kahit pa kinokolekta na rin ito ng ilan.
5. Barter system ang ginamit dati sa Fiji
Bago pa man dumating ang mga Europeo, barter system ang ginagamit ng mga Fijian. Karaniwan nilang ipinagpapalit ang mga alagang hayop at lokal na tanim na prutas at gulay para sa mga bagay na kailangan nila. Nagpatuloy ang sistemang ito hanggang sa 1800s. Dahil sa kolonisasyon ng Europa, nagsimula ang paggamit ng salaping pisikal.
Exchange Rate ng Fijian Dollar
Para makita ang kasalukuyang exchange rate ng Fijian dollar sa US dollar, i-check ang Remitly ngayon.
Tungkol sa Fiji
Ang Fiji ay binubuo ng halos 300 pulo. Ang Viti Levu at Vanua Levu ang pinakamalaki at tahanan ng karamihan sa humigit-kumulang 900,000 mamamayan ng bansa. Sa mga natitirang pulo, halos isang-katlo ang walang naninirahan.
Ngayon, tanyag na destinasyon ang Fiji para sa mga turista na naaakit sa mga beach, coral reef, lagoon, at likas na tanawin. Kilala rin ang mga mamamayan nito sa kabaitan at pagkamapagpatuloy. Malaking bahagi ng kita ng bansa ay mula sa turismo, na sumusuporta sa maraming negosyo.
Mahalaga rin ang agrikultura sa ekonomiya ng Fiji. Maraming katutubong Fijian ang nagtatanim ng sarili nilang pagkain, at ang mga magsasaka ay nag-e-export ng tubo.
Nananahan na ang mga tao sa kasalukuyang Fiji mula pa noong ikalawang milenyo B.C. Ang mga unang naninirahan ay tinawag na Austronesians at sinundan ng mga Melanesians. Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Polynesian sa kasaysayan ng Fiji dahil sa lokasyon nito sa Pacific.
Pagpapadala ng Pera sa Fiji
Maaari kang magpadala ng pera sa Fiji gamit ang Remitly. Ang mga bagong customer ay maaaring makatanggap ng espesyal na alok sa kanilang unang transfer.