Marahil ay pamilyar ka na kung paano gamitin ang debit card, dahil isa na ito sa mga pinakakaraniwang paraan ng pagbabayad para sa maraming transaksyon. Pero alam mo bang maaari mo rin ipadala ang pera sa isang debit card?
Sa Remitly, halimbawa, nag-aalok kami ng debit card deposits sa maraming bansa.
Ang aming app ay nagpapadala ng pera sa debit card ng isang indibidwal sa maraming bansa at kontinente tulad ng Asia, Africa, at South America.
Patuloy na basahin upang malaman kung paano at bakit magpadala ng pera sa isang debit card. Tandaan na nag-iiba ang mga option sa pagpapadala depende sa lokasyon ng tatanggap.
5 hakbang sa pagpapadala ng pera sa debit card
I-download ang app mula sa app store, gumawa ng account, at sundan ang mga hakbang na ito.
1. Ilagay ang halaga na nais mong ipadala
Ilagay ang halaga na nais mong ipadala, tiyakin ang eksaktong halaga na matatanggap ng iyong padadalhan pagkatapos ng anumang fees o markups sa halaga ng palitan.
2. Pumili ng paraan ng pagpapadala
Ibig sabihin nito, dapat mong pumili ng opsyon para ipadala ang pera sa debit card. Sa Remitly, ang opsyon para sa transfer ay naka-indicate na “debit card deposit.”
3. Ilagay ang impormasyon ng tatanggap ng iyong padala
Tuwing magpapadala ka ng pera online, kailangan mo ang impormasyon ng iyong padadalhan tulad ng kanilang pangalan, apelyido, at numero ng telepono. Kailangan mo rin ilagay ang numero ng kanilang debit card.
4. Pumili ng pagmumulan ng pondo
Kapag nag-sign up ka sa Remitly o ibang serbisyo sa pagbabayad, ilalagay mo ang impormasyon ng iyong bank account o debit card. Sa anumang pagpapadala, pipiliin mo kung paano mo gustong bayaran ito—batay sa mga option sa iyong profile.
5. Suriin at ipadala
Ang mga 16-digit na numero ng debit card ay maaaring nakakalito, kaya siguruhing wasto itong na-enter bago mo i-click ang “send.”
Paano Magpadala ng Pera sa Debit Card gamit ang Remitly
Ang Remitly ay nagbibigay ng madaling paraan para magpadala ng pera sa mga tao sa buong mundo, at nag-aalok kami ng kakayahan na mag-transfer ng pera diretso sa debit card.
Para magsimula, mag-sign up para sa account sa Remitly kung wala ka pa nito. Pagkatapos ay sundin ang mga tagubiling nakalista sa itaas. Madali lang ito.
Anong mga uri ng debit card ang suportado ng Remitly?
Ang tatanggap ng iyong padala ay dapat may Visa debit card na inisyu ng isang bangko na nagpapahintulot sa sa debit card deposits.
Mga benepisyo ng pagpapadala ng pera sa debit card
Narito ang ilan sa mga pinakamalaking benepisyo ng direktang pagpapadala ng pera sa debit card.
Kaginhawaan
Kapag naging available na ang pondo, maaaring gamitin agad ng iyong mahal sa buhay ang debit card na ito para sa mga pagbabayad, mag-top up ng wireless phone, at para sa anumang ibang transaksyon na karaniwan nilang ginagamit ang debit card. Maari din nilang kunin ang cash mula sa naka-link na bank account sa isang ATM o bank branch.
Kapag nagpadala ka ng pera sa isang debit card, hindi na kailangang mag-alala ng tatanggap ng iyong padala na lumabas ng bahay para mag cash pickup..
Mabilis
Wala na ang mga araw ng paghihintay para sa pagdating ng pondo. Kapag pinondohan mo ang isang money transfer sa isangh debit card, maaari agad makuha ng iyong padadalhan ang pera. Sa tulong ng mobile app, naging posible ang mga instant transfer —at kung hindi instant, karaniwan na matatanggap ang padala sa loob lamang sa isang araw sa isang money transfer app.
Mga Madalas Itanong at mga Bagay na Kailangang Isaalang-alang
Kapag nagpapadala sa isang debit card sa ibang bansa, sundan ang parehong pag-iingat na dapat mong gawin kapag gumagamit ng anumang mobile wallet o payment app tulad ng Google Pay o Apple Pay.
Narito ang ilang mga karagdagang tips para sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa gamit sa debit card.
Suriin ang mga limitasyon sa halaga ng pagpapadala
Maaaring may limitasyon sa halaga ng pera na maaari mong ipadala sa ibang bansa sa isang pagkakataon. Tingnan ang app o website para sa karagdagang detalye.
Alamin ang tungkol sa mga halaga ng palitan
Ang halaga ng palitan ay nagsasabi kung paano nag-uugnay ang dalawang uri ng pera sa isa’t isa. Halimbawa, kung ikaw ay nasa U.S. at nais mong magpadala ng pera sa ibang bansa sa isang tao sa Mexico, ang halaga ng palitan ay maaaring maging 1 USD = 17.08 pesos. Kung magpapadala ka ng $100, makakatanggap ang iyong papadalhan ng halagang nasa 1708 pesos minus ang fees.
Maari mag-iba-iba ang halaga ng palitan kada oras, at ang mga providers ng money transfer ay maaaring nag-aalok ng iba’t ibang rates.
Alamin ang tungkol sa mga fees
Kung minsan tinatawag na transfer fee, ang transaction fee ay ang babayaran mo sa isang serbisyo ng pagpapadala ng pera para sa iyo. Sa ilang mga providers, maaaring ma-waive o mabawasan ang mga fees na ito kung ang iyong padala ay higit sa isang minimum na halaga.
Ang transfer fees ay maaaring isang flat rate o isang bahagi ng halaga ng perang ipapadala. Kung pipiliin mo ang isang provider na sumisingil ng porsyento, tingnan kung mayroong maximum fee amount sa mga malalaking halaga ng padala.
Sa Remitly, madali mong malaman kung magkano ang fee para sa iyong padala. Sumisingil kami ng flat rate batay sa bansang pupuntahan at sa bilis ng pagpapadala. Nag-aalok din kami ng zero fees para sa ilang mga bansa.
Maaari ba akong magpadala sa prepaid card?
Maaring magpadala ng pera sa prepaid debit cards kung ito ay nakuha sa isang bangko.
Gayunpaman, karamihan sa mga anonymous at prepaid cards na binili sa mga tindahan ay hindi nagpapahintulot nito.
Maaari ba akong bang magpadala gamit ang credit card?
Oo, sa maraming mga kaso. Ngunit maaari kang sumailalim sa cash advance fee kapag nagpadala ka ng pera gamit ang iyong credit card. Makipag-ugnay sa iyong card issuer upang malaman ang karagdagang impormasyon tungkol sa cash advance fee.
Mga tips para maging ligtas
Ang pagpapadala ng pera sa isang debit card ay ligtas, lalo na kung susundin mo ang mga hakbang na ito.
1. Suriin ang impormasyon bago magpadala.
Bago mo simulan ang padala, tatlong beses suriin ang lahat ng impormasyon. Kung may isang malit na mali lang sa numero na ibinigay sa debit card ng iyong padadalhan, maaaring maantala o mapunta sa maling lugar ang iyong padala.
2. Panatilihing ligtas ang iyong impormasyon.
Pumili ng isang di-pangkaraniwang password para sa iyong money transfer service. Maari mong gawing iba ito sa ibang passwords mo sa mga financial institution.Ang mga kombinasyon ng mga titik, numero, at special characters ang karaniwang pinakaligtas.
Panatilihing pribado ang iyong password. I-save lamang ito sa iyong computer o mobile device kung tiyak kang ligtas ang impormasyon.
3. Abisuhan ang iyong padadalhan bago magpadala ng pera.
At iyan na ang lahat!