Kailangang Magpadala ng Pera? Narito ang 11 Alternatibo sa Western Union

Ang Western Union ay nasa industriya mula pa noong 1851, kaya hindi nakakagulat na ito ay naging isang kilalang pangalan sa negosyo ng pagpapadala ng pera. Sa katunayan, ang mismong konsepto ng wire transfer ay nagmula sa paggamit ng Western Union ng mga telegraph wire upang magpadala ng pera.

Sa kasalukuyang panahon, ang paglaki ng mga mobile wallet at online pera-padala ay nangangahulugan na maaari ka ng magpadala ng pera sa ibang bansa nang hindi gumagamit ng Western Union. Ang pinakamahusay na serbisyo sa pagpapadala ng pera para sa iyo ay depende sa kung saang bansa mo gustong magpadala ng pera, kung gaano mo kabilis ito gustong makarating, at kung magkano ang handa mong bayaran sa pagpapadala at mga halaga ng palitan.

Advertisement

Tingnan natin ang ilang mga alternatibo sa Western Union at kung paano sila nagkakaiba.

11 Mga Alternatibo sa Western Union para sa pagpapadala ng pera

1. Remitly

Isang lalaki ang masayang nagpapadala ng pera gamit ang mobile app Ang Remitly ay isang internasyonal na serbisyo ng pera-padala na dalubhasa sa mga pagpapadala – mga pera na ipinapadala ng isang imigrante o manggagawa sa ibang bansa sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nakatuon ang Remitly sa pag-aalok ng mabilis na pagpapadala sa mababang halaga. Maaaring mag-set up ng account ang mga bagong customer gamit ang Remitly mobile app, at maa-access ng tatanggap ng kanilang padala sa pamamagitan ng bank deposit o cash pickup. Tinitiyak ng Remitly ang oras ng pagpapadala, at maaaring kang makatanggap ng email, text, o push notification para masubaybayan ang iyong pagdala.

2. PayPal

Ang PayPal ay isa sa mga pinakakilalang serbisyo sa pagpapadala ng pera sa U.S., at wala itong bayad para sa pagpapadala ng USD sa mga kaibigan at miyembro ng pamilya gamit ang isang U.S. bank account.  Kung magbabayad ka ng iyong padala gamit ang isang debit card o credit card, mayroong kinakailangan bayaran, at ang tatanggap ng iyong padala ay kailangang din na magkaroon ng sariling PayPal account upang matanggap ang pera.

Para sa mga internasyonal na pagpapadala, maaari mong gamitin ang Xoom (isang serbisyo ng PayPal), na nagbibigay-daan sa iyong magpadala ng pera sa isang bank account o debit card, o mag-schedule para sa cash pickup. Ang bilis at halaga ng mga internasyonal na pagpapadala ay magbabago depende sa bansa ng iyong padadalhan, kung saan ka magpapadala, paraan ng iyong pagbabayad, at kung paano makukuha ng tatanggap ang iyong pera padala.

3. Wise

Ang Wise (dating tinatawag na TransferWise) ay idinisenyo para sa mga taong gustong humawak ng mga pandaigdigang pera nang sabay-sabay o magpadala ng pera sa pagitan ng iba’t ibang currency.

Ang mga customer ay maaaring magbukas ng “multi-currency account” at mapanatili ang balanse sa ilang pandaigdigang pera. Maari rin silang kumuha ng Wise debit card at tumanggap ng pera sa isang lokal na bank account sa mga bansang gaya ng Canada at Australia.

Ang Wise ay naniningil ng magkasamang fixed at variable fees upang magpadala ng pera sa pamamagitan ng debit card o bank transfer.

4. Revolut

Ang Revolut ay isa ring alternatibo sa Western Union at tulad ng Wise pinapayagan ka nitong humawak ng maraming currency at magpadala ng pera sa international.

Hindi tulad ng ibang mga alternatibo sa Western Union, ang Revolut ay maaaring maihalintulad sa isang bank account, na may mga pagpipilian para sa pagtanggap ng sweldo, pagkuha ng interes, at pamamahala ng mga stock mula sa iyong mobile phone.

5. WorldRemit

Ang WorldRemit ay nag-aalok ng ilang mga alternatibo sa pagpapadala ng pera sa Western Union, kabilang ang pagdagdag ng data o minuto sa numero ng iyong mobile phone (ibig sabihin, “i-top-up” ang iyong account) o mag-schedule para sa cash pickup. Maaari kang magbayad gamit ang isang credit card, isang debit card, o isang mobile wallet tulad ng Apple Pay.

Tulad ng ibang mga serbisyo sa pagpapadala ng pera, kakailanganin mong magbigay ng valid na ID na ibinigay ng gobyerno bago magawa ang iyong unang pagpapadala.

Larawan nagpapakita ng kakayahang magpadala ng pera saan man sa mundo gamit ang mobile 6. MoneyGram

Ang MoneyGram ay halos kasing-lawak ng Western Union, na may mga serbisyo sa pagbabayad na maaring magamit sa daan-daang bansa sa buong mundo.

Tulad ng ibang mga serbisyo sa pagpapadala, nag-iiba-iba ang halaga ng bayarin batay sa bansa na pagmumulan ang iyong padala at sa bansa na tatanggap ng iyong padala. Karaniwan, magbabayad ka ng upfront transaction fee pati na rin ang markup sa mid-market na halaga ng palitan.

7. Xe

Ang Xe ay isang service provider na nakabase sa Canada na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga online na tool na nauugnay sa mga pagpapadala ng pera at currency conversion. Bukod sa pagsubaybay sa halaga ng palitan gamit ang Currency Converter, maaari kang magpadala ng pera mula sa isang bansa patungo sa isa pa.

Ang Xe ay may katulad na pagpepresyo at mga bayarin sa ilang iba pang provider, ngunit mayroon itong ilang mga limitasyon kumpara sa iba pang mga alternatibo sa Western Union. Walang mga lokasyon ng cash pickup, at hindi ka maaaring gumamit ng credit card para sa mga internasyonal na pagpapadala.

8. Ria

Ang Ria Money Transfer ay pagmamay-ari ng parehong parent company ng Xe, ngunit nagagamit lamang ito sa mga pagpapadala sa mga bansang tulad ng Mexico, India, at Pilipinas.

Ito ay maaaring maihalintulad, ngunit mayroong mas limitadong serbisyo sa Western Union. Ang mga lokasyon ng ahente ay matatagpuan sa buong mundo.

9. Skrill

Ang Skrill ay isang virtual na wallet na idinisenyo para sa online na pagsusugal—ngunit hindi iyon nangangahulugan na hindi mo ito magagamit bilang alternatibo sa Western Union. Maaari kang magpadala ng pera sa bank account o kahit sa kanilang email address upang agad nilang matanggap ang iyong padala. Suriin ang mga bayarin sa kanilang app upang makita ang halaga ng pagpapadala gamit ang Skrill.

10. OFX

Ang OFX ay isang Australian foreign exchange company na nakabase sa Sydney. Maaari kang magtakda ng one-time transfer sa isang naka-lock na rate o mag-iskedyul ng regular na pagpapadala para sa mga pagbabayad ng mortgage o tuition.

Sa ngayon, ang OFX ay may pinakamababang halaga ng pagpapadala na $1,000 USD, at kinakailangan na mai-verify ang pagpaparehistro ng iyong account gamit ang isang tawag sa telepono.

11. Payoneer

Ang Payoneer ay isang alternatibo sa Western Union na naglalayon sa mga negosyo at kontratista, tulad nito ay ang pagbabayad sa isang freelancer o namamahala ng isang e-commerce na negosyo. Pinalawak ng Payoneer ang mga serbisyo nito para sa mga maliliit na may-ari ng negosyo, gaya ng kakayahang bayaran ang iyong mga buwis sa VAT gamit ang GBP.

Nagdagdag ang Payoneer ng kakayahan nito para sa mga maliliit na may-ari ng negosyo, gaya ng kakayahang bayaran ang iyong mga buwis sa VAT gamit ang GBP.

Bakit mo dapat ihambing ang mga alternatibo sa Western Union?

Depende sa halaga ng pagpapadala at kung aling paraan ng pagpapadala ang iyong ginagamit, maaaring hindi ito ang pinakamurang opsyon o ang pinaka mabilis na paraan upang magpera padala sa iyong mahal sa buhay.

Sa pamamagitan ng paghahambing ng maraming internasyonal na serbisyo sa pagpapadala ng pera, magagawa mong piliin ang isa na may pinakamahusay na halaga ng palitan o ang pinaka-maginhawang paraan ng pagbabayad.

Larawan ng isang babae masaya sa paggamit ng mobile app