Last updated on Abril 25th, 2023 at 05:03 umaga
Ang pagkuha ng green card ay ang panghuling hinahangad na makamit ng maraming tao. Nagbibigay ng pahintulot ang pagkakaroon mo ng green card upang legal na manirahan at magtrabaho sa United States, na nagbibigay-daan sa iyong makamit ang maraming oportunidad sa bansa.
Ngunit kung paano mo makukuha ang iyong green card ay nakasalalay sa iyong sitwasyon, kaya mahalaga na maunawaan ang lahat ng posibilidad bago simulan ang proseso. Narito ang mga detalye na kailangan mong malaman tungkol sa pagkuha ng green card sa United States.
Mga Kategorya ng Pagiging Kwalipikado sa Green Card
Ang pagtukoy sa kategorya ng pagiging kwalipikado ay nagbibigay daan para sa iyong una at ang susunod pang mga hakbang para makuha ang iyong green card. Ipinapaliwanag ng pitong kategoryang nasa ibaba ang pinaka karaniwang kinakailangan sa aplikasyon.
Pamilya
Kung mayroon kang kapamilya na legal na naninirahan sa United States, kwalipikado ka para sa isang green card. Maaari kang mag-apply para sa isang green card sa pamamagitan ng iyong pamilya kung mayroon kang mga magulang, kapatid, anak, o asawang nakatira sa bansa.
Pagtatrabaho
Ang mga imigrante na lilipat sa United States para magtrabaho ay maaaring mag-apply para sa green card sa pamamagitan ng pagkuha ng sponsorship mula sa isang kumpanya sa United States. Ang mga imigrante na nag-aapply para sa isang green card dahil sa trabaho ay kailangang pumili ng naaangkop visa batay sa kanilang antas ng kasanayan, trabaho, at kasaysayan ng trabaho.
Refugee o asylee
Ang mga indibidwal na may katayuang refugee o asylee ay may karapatang mag-apply para sa isang green card. Dapat na mayroon ka ng iyong katayuan ng hindi bababa sa isang taon bago mag-apply.
Mga biktima ng human trafficking at krimen
Ang mga biktima ng human trafficking at krimen ay maaaring mag-apply para sa mga green card, depende sa kanilang kasalukuyang katayuan sa United States. Ang mga biktima ng human trafficking ay nangangailangan ng T non-immigrant visa, habang ang mga biktima ng krimen ay nangangailangan ng U non-immigrant visa.
Biktima ng pang-aabuso
Ang isang biktima ng pang-aabuso na ginawa ng isang legal na residente ng Estados Unidos ay maaaring mag-apply para sa isang green card. Kasama sa mga indibidwal na ito ang mga asawa, mga anak, at mga magulang.
Pagpaparehistro
Ang mga residente ng Estados Unidos na nanirahan sa bansa sa loob ng mahabang panahon ay maaaring mag-apply para sa mga green card. Ang mga aplikante sa pagpaparehistro ay nanirahan sa Estados Unidos bago ang 1972, patuloy na nanirahan doon, at walang anumang naging problema sa batas.
Diversity visa lottery
Ang diversity visa lottery ay para sa mga taong gustong lumipat sa Estados Unidos mula sa mga bansang may mababang rate ng imigrasyon sa U.S.
Ang lottery ay nangangailangan ng mga kandidato na magkaroon ng high school degree o nauugnay na karanasan sa trabaho at nagpapahintulot sa 50,000 tao na mag-apply para sa mga green card taun-taon.
Paano mag-apply ng green card
Sa sandaling matukoy mo ang iyong pagiging kwalipikado para sa isang green card, maari mo ng simulan ang proseso ng aplikasyon. Narito ang mga hakbang na dapat gawin upang makapagsimula.
1. Kumuha ng sponsor
Kadalasan, hindi ka maaaring mag-file para sa isang green card ng mag-isa; kailangan mong magkaroon ng sponsor para mag-file ng mga form para sa iyo. Narito ang ilang karaniwang sitwasyon kung kailan mo maaaring mangailangan ng sponsor:
- May malapit kang kamag-anak na nakatira sa bansa.
- Ikakasal ka at nangangailangan ng marriage green card.
- Mayroon kang oportunidad sa trabaho at kailangan mo ng kumpanyang mag-isponsor sa iyo
May iba pang mga kaso kung saan maaari kang mag-file para sa isang green card ng mag-isa. Ang ilang karaniwang kaso para dito ay mga petisyon para sa asylum at refugee status.
Sa sandaling ihain mo ang iyong petisyon para sa isang green card, maghihintay ka upang marinig kung magagamit ang mga visa sa iyong kategorya. Hindi mo maaaring ipagpatuloy ang proseso hanggang sa magkaroon ng visa.
2. Kumpletuhin ang aplikasyon
Pagkatapos aprubahan ng gobyerno ang iyong aplikasyon, kakailanganin mong punan ang isang green card application. Ang form na kailangan mo ay depende sa iyong kasalukuyang lokasyon.
Kung legal ka ng nakatira sa United States, gagamitin mo ang Form I-485. Kung nag-a-apply ka para maging legal na permanenteng residente, kinakailangan mo ring punan ang Form I-485 Supplement A.
Ang Form DS-260 ay para sa mga aplikante na nakatira sa ibang bansa sa panahon ng proseso ng aplikasyon. Ang mga taong nag-file ng Form DS-260 ay kailangang dumaan sa pagpoproseso ng konsulado sa isang embahada ng Estados Unidos o gamitin ang online portal sa sandaling makatanggap sila ng pag-apruba.
3. Pumunta sa iyong biometrics appointment
Bago mag-isyu ng green card, hinihiling ng Estados Unidos ang mga imigrante na magbigay ng kanilang biometric na impormasyon. Kabilang dito ang pagbibigay ng larawan, lagda, at mga fingerprint. Ginagamit ng gobyerno ang mga pagkakakilanlan na ito upang magsagawa ng mga pagsusuri bago ka pahintulutan magpatuloy sa susunod na hakbang ng proseso ng aplikasyon.
4. Mag-set up ng isang panayam
Pagkatapos mong maisumite ang iyong biometric na impormasyon sa mga serbisyo ng imigrasyon, ang susunod na hakbang ay ang pag-iskedyul ng iyong sa naturalization interview. Kabilang sa panayam na ito ang iyong background, kasaysayan ng edukasyon, at iba pang bahagi ng iyong aplikasyon.
Bukod sa mga tanong tungkol sa iyong background, susubukin din ang iyong mga kakayahan sa Ingles at sibika.
5. Tanggapin ang magiging desisyon ng iyong aplikasyon
Kasunod ng iyong panayam, kinakailangan mo na lamang maghintay. Ipagpatuloy ang iyong normal na buhay hanggang sa makatanggap ng ka abiso mula sa mga opisyal ng imigrasyon tungkol sa katayuan ng iyong aplikasyon.
Gaano katagal bago makakuha ng green card?
Ang pagproseso ng green card ay hindi mabilis. Halos bawat kategorya ng pagiging kwalipikado ay may taunang mga limitasyon sa bilang ng mga taong pinapayagang pumasok, kaya maaaring mag-iba ang tagal na aabutin. Maaari itong tumagal mula sa pitong buwan hanggang sampung taon.
Paano malaman ang katayuan ng iyong aplikasyon
Ang pagsuri sa katayuan ng iyong aplikasyon ay isang simpleng proseso.
Ang iyong unang pagpipilian ay hanapin ito online. Upang makakuha ng na-update na katayuan, pumunta sa immigration case website at ipasok ang iyong numero ng resibo.
Maaari ka ring tumawag sa USCIS Contact Center at makipag-usap sa isang opisyal ng imigrasyon upang makatanggap ng update,. Habang isinusulat ito, ang kanilang numero ng telepono ay 800-375-5283.
Paano mag-renew ng green card
Ang mga green card ay mag-e-expire pagkatapos ng sampung taon.
Para mag-renew ng green card:
- Kumpletuhin ang Form I-90 renewal application online o punan ang isang pisikal na form;
- Magtipon ng mga sumusuportang dokumento;
- Bayaran ang green card renewal fee; at
- Isumite ang iyong aplikasyon online o sa pamamagitan ng mail.
Maaaring tumagal ng mahabang panahon upang maproseso ang iyong aplikasyon, kaya huwag ng patagalin pa para simulan ang proseso ng pag-renew. Upang bigyan ang iyong sarili ng oras upang harapin ang mga hindi inaasahang pangyayari, simulan ang proseso ng pag-renew anim na buwan bago ang petsa ng pag-expire.
Paano palitan ang iyong green card
Kailangan mo ang iyong green card upang patunayan na maaari kang legal na manirahan at magtrabaho sa United States. Kung mawala o masira mo ang iyong card, kakailanganin mong makakuha ng kapalit sa lalong madaling panahon.
Ang pagkuha ng kapalit na green card ay katulad din ng pag-renew. Punan mo ang Form I-90, isumite ang kinakailangang dokumento, bayaran ang mga bayarin, at isumite ang iyong aplikasyon.
Mga mapagkukunan ng tulong para sa mga aplikante ng green card
Ang proseso ng aplikasyon ng green card ay maituturing na komplikado. Ang mga organisasyong ito ay tumutulong sa mga aplikante sa iba’t ibang paraan. Makipag-ugnayan sa isang lokal na organisayon para malaman ang higit pa tungkol dito:
Manatiling ligtas at iwasan ang mga pagkakamali
Ang proseso ng imigrasyon ay napaka-kumplikado. Mag-ingat sa mga hadlang na ito.
Green card scams
Sa kasamaang palad, sinasamantala ng mga scam na ito ang mga imigrante na sinusubukang makuha ang kanilang mga green card. Mag ingat sa:
- Mga kahina-hinalang email na nag-aalok ng mga oportunidad sa trabaho
- Mga taong nagpapanggap na opisyal ng gobyerno
- Mga request para magbayad sa telepono at email
- Mga request para magbayad para sa immigration support
Gumamit ng tamang sponsor at petition form
Gagamitin mo ang Form 485 o DS 260 para mag-apply para sa iyong green card, ngunit ang mga form ng sponsor ay naiiba batay sa iyong mga pangangailangan. Mag-iiba-iba ang mga ito batay sa uri ng sponsorship na nakukuha mo.
Kumuha ng marriage green card, halimbawa. Kailangan mong i-verify ang kasal sa iyong asawa gamit ang Form I-130. Nakatutulong din ang form na ito kung mayroon kang mga kapamilya na gusto mong i-sponsor.
Gayunpaman, para sa imigrasyon na employmemt-based, kinakailangang kumpletuhin ng iyong employer ang Form I-140. Abangan ang mga detalyeng tungkol dito.
Mag-apply para sa na-aangkop na work visa
Kung nag-a-apply para sa sponsorship sa trabaho, piliin ang tamang uri para sa iyong sitwasyon.
Kunin ang isang first preference employment-based (EB) na manggagawa. Maaaring mag-apply para sa EB-1 visa ang mga indibidwal na may mataas na kasanayan sa mga agham, sining, at iba pang industriya. Gayunpaman, ang iba pang apat na EB visa ay sumasaklaw sa mga natatanging hanay ng kasanayan.
Sa lahat ng kaso ng work visa, suriin ang mga kinakailangan para sa bawat isa at mag-apply para sa visa na tumutugma sa iyong mga kasanayan.